^

PSN Showbiz

Gabby natikman uli ang mga dating ginagawa ni Janice

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kamukha ni KC Concepcion ang panganay na anak ng amang si Gabby Concepcion sa misis nito ngayon. Nakita ang dalawang anak na babae ng aktor sa IG story ni KC nang mag-lunch sila noong Father’s Day kasama ang isa pang kapatid na si Garie Concepcion.

Samantala, ipinost ni Gabby ang poster ng episode ng Magpakailanman nila ni Janice de Belen na mapapanood mamaya sa GMA 7. May title na May Forever: The Ariel Cruz and Julieta Manuel Story ang episode sa direction ni Gina Alajar.

Kuwento ni Gabby, hindi agad sinabi sa kanya na si Janice ang makakasama niya sa episode dahil sorpresa raw ito at hindi na rin siya nagtanong.

“Kanina (sa taping) ko lang nalaman na si Janice ang kasama ko dahil ‘di agad sinabi ni Popoy (Caritativo). Tiningnan ko na lang ang dumating na car kung sino ang bababa. Nakita ko ang plate number ng van na JDB at nalaman ko agad na si Janice. Excited siyempre ako at naisip ko na makakakain na naman ako ng mga naaalala kong niluluto niyang pagkain,” sabi ni Gabby.

Open si Gabby na magsama sila ni Janice sa teleserye para mas matagal ang trabaho nila. Kaya lang, pagkatapos na ng Ika-6 Na Utos na aabot yata ng one year ang airing dahil laging extended.

Helen hindi pwedeng diktahan sa pagluluto

Present si director Perci Intalan sa presscon ng cooking show ni Helen Gamboa-Sotto na From Helen’s Kitchen dahil produced ito ng The IdeaFirst Company nila ni director Jun Lana.

Ayon kay direk Perci, gusto ng Colours na magprodyus sila ng show at ang From Helen’s Kit­chen ang kanilang isinumite. Ang concept nito ay kay Helen mismo at hindi ito puwedeng diktahan kung ano ang lulutuin at ingredients na gagamitin. Tinitiyak ng production na mura at hindi mahirap hanapin ang ingredients na gagamitin sa show.

Mapapanood sa Co­lours ng Cignal TV star­ting July 1, Saturday 8 p.m., ang From Helen’s Kit­chen. Mapapanood din ito sa TV5, abang lang ng announcement at time slot. Si Bibeth Orteza ang director na ang taping ay sa kitchen mismo nina Helen.

Busy sina direk Perci at direk Jun, nag­hahati na sila ng trabaho. Kaya si direk Perci na ang director ng Regal Entertainment movie na My Fairy Tail Love Affair dahil hindi magtugma ang schedule nina direk Jun at Janella Salvador.

Marami ring ipoprodyus na movie for Viva Films ang The IdeaFirst dahil sa pinirmahang multi-picture contract with the film company.

Pagkamatay ni Heart pinanghihinayangan

Kailangan na talagang patayin ang karakter ni Heart Evangelista na si Alwina sa Mulawin vs. Ravena dahil nagsisimula na si director Mark Reyes sa taping ng My Korean Jagiya na ilalagay din sa primetime slot.

Kahit ilang linggo lang ang labas ni Heart sa Mulawin vs. Ravena, nagmarka pa rin siya bilang si Alwina.

Kaya sabay ng last day na labas niya sa fantaserye ang tweet niyang, “Maraming salamat sa pagtitiwala gma at sa lahat ng nagmahal kay Alwina. I will never forget you #Alwina.”

Nanghihinayang lang ang viewers dahil hindi nalaman ni Alwina kung sino kina Tak at Wak ang anak nila ni Gabriel (Dennis Trillo).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with