^

PSN Showbiz

Dra. Belo at Hayden kasal na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Congrats kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. dahil legally married na sila.

Si Makati City Mayor Abby Binay ang nagkasal kina Mama Vicki at Hayden sa isang very private at simple civil wedding. Siyempre, may sariling moment ang kanilang anak na si Scarlet Snow dahil ito ang flower girl.

Pagkatapos ng civil wedding nila, ang pagpapakasal naman sa Paris, France sa September ang aasikasuhin nina Mama Vicki at Hayden.

Hindi inilihim nina Mama Vicki at Hayden ang pag-iisang dibdib nila. Mismong si Mama Vicki ang nag-post sa Instagram account niya ng wedding picture nila ni Hayden na nilagyan niya ng caption na “I was afraid that I would feel like I would lose my freedom by getting married. Instead, I feel joyful and free. Thank you Mayor Abby Binay for officiating our civil wedding.”

May hashtag naman na #OfficiallyOffTheMarket ang caption ni Hayden sa wedding picture nila ni Mama Vicki.

So meaningful ang emote ni Hayden na “Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh.”

Positive ang lahat ng mga feedback sa civil wedding nina Mama Vicki at Hayden.

Mahigit na sa isang dekada ang relasyon nila kaya happy ang fans dahil humantong sa kasalan ang kanilang makulay na relasyon.

Malaking factor ang pagdating ni Scarlet Snow sa buhay nina Mama Vicki at Hayden dahil lalong tumibay ang  pagsasama ng dalawa. I-wish natin ng best wishes sina Mama Vicki at Hayden dahil deserve nila na maging maligaya, forever and ever. Let us all be happy for them, lalo na kay Scarlet.

Heart handa na sa Korean Love

Nag-babu as in tsinugi na ang Alwina character ni Heart Evangelista sa Mulawin vs. Ravena dahil magsisimula na ang taping ng My Korean Jagiya, ang coming soon primetime teleserye ng GMA 7 na siya ang lead actress.

Bago pa niya tinanggap ang Mulawin vs. Ravena, alam ni Heart na sandali lang ang participation niya sa telefantasya ng GMA 7 dahil siya nga ang magbibida sa My Korean Jagiya.

Nagpasalamat si Heart sa lahat ng viewers ng Mulawin vs. Ravena na sumuporta sa kanya sa brief stint niya sa nasabing telefantasya.

Getting ready na si Heart sa nalalapit na taping ng My Korean Jagiya na love, honey at darling ang meaning sa Korean language.

Si Mark Reyes ang direktor ng My Korean Jagiya. Co-stars ni Heart sa teleserye sina Edgar Allan Guzman, Ricky Davao at Janice de Belen.

Tsugi galing sa Chung-Gye

Dahil namamayagpag ngayon ang mga Korean actor at Koreanovelas, marami ang nagtatanong sa akin kung saan ko nakuha ang word na tsugi.

Ang alam kasi ng mga vaklush, Korean word ang tsugi pero walang ganitong salita ang mga Koreano.

Inimbento ko lang ang word na tsugi dahil nahihirapan ako na i-pronounce ang Korean word na chung-gye na story ang ibig sabihin.

Ambassador noon sa South Korea ang tatay ni Inday Badiday at nang magpunta kami sa Seoul para magbakasyon, doon ko narinig ang word na chung-gye na naging tsugi dahil hindi ko nga matandaan ang correct pronunciation.

Nang gamitin ko sa showbiz ang tsugi, nagkaroon na ito ng maraming kahulugan at nagsanga-sanga na, from tsugi, nagkaroon ng words na tsu­gian, katsugihan, nagtsutsugihan, tsumugi at nagpatsugi na pare-parehong may sexual connotations pero depende sa paggamit at kung sino ang gumagamit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with