^

PSN Showbiz

Kris nababaliw sa mga pinaglumaang bag ng mga hapones!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kris nababaliw sa mga pinaglumaang bag ng mga hapones!

Pangongolekta pala ng Chanel vintage bag ang bagong kinababaliwan ni Kris Aquino.

Vintage meaning hindi ito mga brand new, mga luxury bag na pinagsawaan ng mga sosyal na Hapones.

Pinamili raw niya ito sa Japan kasama ang personal shopper niyang si Ms. Aimee ng @loveluxebags na personal shopper din ni Marian Rivera.

Ipinakita ni Kris sa kanyang YouTube channel ang mga pinakyaw niyang mga vintage Chanel bag na umano’y mas mahal pa kesa sa brand new.

First time niya raw itong ginawa at pinausukan ng insenso dahil nga may mga nauna nang gumamit.

Nagsimula raw ang bago niyang passion dahil sa YouTube.

Ang justification niya sa mga kapatid kung bakit siya nga­ngongolekta ng mga nasabing mamahaling brand ng bag, “May excuse na ako. Nakahanap ako ng dahilan sa mga kapatid ko, my sisters. Kasi they said, ‘Okay, Krissy how many bags do you really need? And how many pairs of shoes?’ And then sabi ko, ‘No. Ang Chanel may meaning because it reminds me of mom. Initials niya.”  pahayag ni Kris na sa Internet na lang napapanood sa kasalukuyan.

Miss Manila nagkalat ang magaganda

Ngayong gabi na gaganapin ang coronation night ng Miss Manila 2017, kasabay ng Araw Ng Maynila.

Tiyak, mahihirapan ang mga huradong mamili dahil nang ipakilala sa press ang 30 candidates maraming maganda at magagaling magsalita.

Mag-uuwi ng P1 million ang makakasungkit ng korona – P500,000 cash and P500,000 management contract sa Viva.

Bukod sa premyo, nagkakaroon ng magandang chance ang mga nanalo sa ibang malalaking pageant.

Edu Manzano

Magiging host ng pageant night na gaganapin sa PICC sina Edu Manzano and Yassi Pressman.

PPP 45 ang gustong sumali

Tuloy na tuloy na ang gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino sa August na proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chair and CEO Liza Diño.

Liza Diño

And ito ang bongga, 45 films daw ang nakatakdang mag-participate sa nasabing kauna-unahang PPP.

Yup, ganun karami ang gustong sumali.

Noong May pa sila nag-umpisang tumanggap ng application ng mga sasaling pelikula na dapat ay hindi pa napapanood sa commercial exhibition o maging sa Internet at lahat may English subtitles. At siyempre dapat may temang Pinoy ang pelikula.

Gaganapin ang PPP sa Aug. 16 to 22 kung saan pawang mga Tagalog na pelikula lang ang mapapanood sa mga sinehan.

Tuloy ang pakikipag-meeting ni Chair Liza hanggang sa Malacañang para sa kinakailangang suporta.

Kaya naman kahit birthday na niya bukas, Sunday, hindi na raw niya halos maalala dahil sa kaabalahan. “After being reminded a few days ago that my birthday is coming up this Sunday, today I realized, I haven’t made ANY birthday plans at all. So for those as­king, ummm, ngayon pa lang ako mag-iisip ng gagawin,” post niya sa kanyang Fabebook account.

Pero kagabi ay binigyan siya ng birthday surprise party ng mga staff niya sa FDCP na ikinagulat ni Ms. Liza.

Maligayang kaarawan Chair Liza!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with