^

PSN Showbiz

BFF ni Nadine pumiyok sa yakapan nila ni James!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
BFF ni Nadine pumiyok sa yakapan nila ni James!

Nadine, Rika at James

Hindi na nakatiis ang best friend nina James Reid and Nadine Lustre na si Mika Tan na binigyan ng malisya ang pagyakap ni James sa kanya (na kumalat sa social media). Mabilis ang na­ging reaction ni Nadine sa nasabing viral photo nang pag-isipan ito ng masama at pinaghinalaang may nagaganap sa ‘best friend’ niya at boyfriend.

Kaya ang sagot ni Mika: “The world has so many bigger issues right now, but I guess hugging friends gets a twisted meaning, too.

“Thinking there’s malice in ANY of that and making things up based on an IG post.. is delusional.

“If you want to waste your time and troll on me, go ahead.

“But getting my friends who I treat like my family involved.. I swear I’ll break your face.”

Game si Mika kaya belat sa mga nag-aakalang maaapektuhan ang pagkakaibigan ng tatlo.

Base sa partial tally, Nadine hindi natinag sa no. 1 ng Sexiest…

Speaking of Nadine, sa July pa pala ang official announcement ng mananalo sa FHM’s 100 Sexiest. Pero base sa partial and unofficial coun­ting (parang national election lang), hindi natinag si Nadine sa no. 1 spot.

Naging masigasig ang fans ng JaDine sa pagboto at true naman na deserve niya ‘yun dahil umaapaw ang confidence ng Kapamilya actress though sey niya sa isang interview, minsan pakiramdam niya ay payat siya at kulang sa balakang.

Super proud naman si James na ang girlfriend ay ang nangangamoy na ng panalo bilang pinaka-sexy na babae.

Anne at Erwan nagpi-pre-nup pic sa Paris

Sa Paris, France nga kaya magaganap ang kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff?

Kasalukuyang nasa France sina Anne at ang magiging mister niyang si Erwan at pareho silang nagpo-post ng kanilang litrato pero wala silang banggit kung ano’ng ginagawa nila though gumagamit si Anne ng hashtag na ANNEventure.

Eh kasalukuyan din kasing nasa Paris ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Bago nag-showbiz ang magkapatid na Erwan and Solenn, sa Paris sila naka-base.

Walang ibinibigay na wedding details sina Anne and Erwan after ng announcement ng kanilang engagement months ago.

Ang duda ng ilan, baka naman pre-nup pictorial ang ginagawa nila roon?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with