^

PSN Showbiz

Jiro sinuway si AiAi, lumayas na sa rehab

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tuluyan nang nag-babu si Jiro Manio sa rehabilitation center sa Bataan na pinagdalhan sa kanya ni AiAi delas Alas.

Pormal na nagpaalam si Jiro sa mga namamahala sa rehabilitation center dahil gusto niya na manirahan sa piling ng kanyang pamilya sa Metro Manila.

Walang nagawa ang rehabilitation center administration dahil nasa legal age na si Jiro para mag-decide.

Mahirap nga naman na pilitin siya na mag-stay sa rehab center, kung labag ito sa kanyang kalooban.

Nag-promise si Jiro na tutulong sa mga advocacy ng rehab center, kahit umuwi na siya sa pamilya niya.

Ayaw ni AiAi na palabasin sa rehab center si Jiro dahil nag-aalala siya na baka bumalik sa dating gawi nang former child actor.

Nangako si Jiro na magbabagong-buhay na siya at kung anuman ang mangyari sa kanya, hindi na dapat sisihin si AiAi dahil ginawa nito ang lahat para makaahon mula sa pangit na bisyo ang aktor na tinulungan niya.

Walang puwedeng isumbat kay AiAi dahil nang mag-babu si Jiro sa rehab center, parang sinuway na rin niya ang mga kagustuhan ng Comedy Queen. Kung anuman ang maging resulta ng paglabas ni Jiro sa rehab center, siya na ang may pananagutan, hindi si AiAi dahil may sariling pamilya ito na inaasikaso.

Kahit palaging palabiro, Joey palasimba at madasalin

Gandang-ganda ako sa Grand Cathedral of the Virgin Mary of Osaka, Japan.

Nagsimba ako sa Osaka Cathedral noong Linggo at nakadalo ako sa 2 p.m. English mass ng simbahan.

Mga Pilipino ang nakasabay ko sa pagsimba sa impressive church na may Virgin Mary na Japanese ang hitsura.

Sa tuwing pumupunta ako sa ibang bansa, hangga’t maaari, nagsisimba ako.

Si Joey de Leon naman ang nagsabi sa akin na kung walang Catholic Church sa mga bansa na pinupuntahan niya, pumapasok siya sa Baptist Church at ibang mga simbahan dahil tahanan pa rin ito ng Panginoon. Pina-practice ko ang sinabi ni Papa Joey dahil walang mawawala sa akin.

Palabiro ang image ni Papa Joey pero sa tunay na buhay, prayerful at palasimba siya.

Korean superstars 70 ang entourage ‘pag may concert sa ibang bansa!

Nakilala ko sa Osaka ang concert producer na si Jay Santiago.

Si Jay at ang mga kasosyo niya sa negosyo ang producer ng concert noon ni Patti Austin sa Kia Theater. Ang grupo nila ang producer ng mga concert sa Japan ng Backstreet Boys.

Nagkakilala kami ni Jay at ng kanyang dyowa na si Michelle habang sakay kami ng train na sinakyan ko sa Nara, pabalik sa Osaka. Siya ang nagsabi sa akin na next project nila ang concert sa Pilipinas ng isang sikat na K-Pop group kaya na-excite ako.

May-I-suggest ko kay Jay na i-try na ipag-produce ng concert ang aking favorite Korean actor na si Song Joong Ki.

Hindi naman importante kung hindi talaga singer si Song Joong Ki dahil sure na maraming Pinoy ang nag-iilusyon na ma-sight siya nang personal.

Si Jay ang nagkuwento sa akin na hindi madali na kunin ang mga Korean star para sa isang concert, lalo na kung superstar ang kategorya dahil big challenge ito sa mga produ.

Sa tantiya ni Jay, 70 ang bilang ng entourage na bitbit ng mga Korean star kapag may mga show sila sa ibang bansa.

Sa entourage pa lang, malaki ang magagastos ng mga producer kaya effort para sa kanila na magdala sa Pilipinas ng mga Korean superstar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with