PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Show ni Jessica Soho ikinumpara sa Oprah

Oprah

MANILA, Philippines - Mapa-Pilipinas man o sa ibang bansa, patuloy ang top-rating at award-winning news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho sa pagpapalabas ng makabuluhang kuwento tungkol sa mga Pilipino.

Tinampok kamakailan sa prestihiyosong international news magazine television program na 60 Minutes Australia  ang kuwento ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) tungkol sa paghahanap ng Filipino-Australian na si Joel de Carteret sa kanyang ina. Ang host ng 60 Minutes Australia na si Liam Bartlett, kinapanayam pa ang host ng KMJS na si Jessica   tungkol sa pagpupursige ng KMJS na hanapin ang mga kadugo ni Jojo. Inilarawan din nila si Soho bilang  Philippines’ answer to Oprah.

Hindi ito ang unang beses na napansin ng ibang international programs at news sites ang mga kuwentong tinatampok sa KMJS. Noong Pebrero, inilathala naman sa social news and entertainment company na BuzzFeed na nakabase sa New York ang panayam ni Soho kay Miss Universe 1994 Sushmita Sen.

Nito ring Abril, tinalakay sa artikulo ng American daily newspaper na The New York Times ang pag-aaral ng mga siyentipiko tungkol sa giant shipworms sa Pilipinas.  Binanggit dito na nadiskubre lang daw ng international scientists ang naturang species matapos nila itong mapanood sa YouTube noong 2010. Ang nilagay nilang YouTube link, nakadirekta sa uploaded segment ng KMJS tungkol sa mga giant tamilok ng Sultan Kudarat. 

Ang lahat ng ito nangyari lang sa unang bahagi ng 2017 at nagpapatunay sa kalidad ng mga istorya ng KMJS. Dagdag pa rito, patuloy rin ang pangunguna ng KMJS sa ratings. Nanatili ring malakas ang hatak ng KMJS sa social media.

Napapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA-7.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: