PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Joross tatay na uli!

Joross Gamboa

Bea, hindi galit sa ‘di nakikitang ama

PIK: Bago mag-Father’s Day ay natanong namin si Bea Binene kung mababati ba niya ang kanyang ama na halos limang taon na pala niyang hindi nakikita o nakakausap man lang.

Kaya hindi raw niya alam kung paano niya masi-celebrate ang Father’s Day, dahil wala na nga raw silang komunikasyon. Pero wala naman daw siyang sama ng loob o galit sa kanyang ama. Nandiyan pa rin daw ang pagmamahal niya sa Papa niya.

“Naintindihan ko naman po yung situation eh. Papa’s girl ako eh, siyempre nami-miss ko. Pero naintindihan ko na nga po ‘yung situation,” pakli ni Bea.

Alam naman daw niyang sinusubaybayan siya at tiyak na proud naman ang kanyang ama sa lahat na mga na-achieve niya sa kanyang career.

“Basta, I just want him to care of himself all the time,” medyo emotional nang pahayag ng Kapuso young actress.

PAK: Extended ang Father’s Day para kay Joross Gamboa dahil isinilang na ang pangalawang baby ng asawa niyang si Katz Saga-Gamboa.

Kahapon iniliuwal na ni Katz ang pangalawang baby nila ni Joross sa Caesarian section ng Asian Hospital. Baby boy ito na pinangalanan nilang si John Kody.

Ipinost pa ni Joross sa kanilang Instagram account ang kuha ng asawa niyang nagmi-make up bago operahan.

Sabi niya, “Getting ready for The Big Push! #myfunnywife”

Nagpapasalamat naman si Joross sa Diyos dahil tuluy-tuloy daw ang trabaho niya para makapag-ipon sa kanyang pamilya.

Bahagi siya sa La Luna Sangre na nagsimula na sa ABS-CBN 2 kagabi. Sabi pa ni Joross, sana girl na raw ang kasunod para stop na sila.

BOOM: Pinayagan ng Sandiganbayan ang dating Sen. Bong Revilla na pansa­man­talang lumabas sa Custodial Center ng Camp Crame para madalaw ang kanyang amang si Sen. Ramon Revilla, Sr.

Nagkaroon ng heart procedure ang dating Sen. Ramon Revilla, Sr. kahapon ng umaga at successful naman daw ito.

Binantayan siya ni Sen. Bong kasama ang mga kapatid niyang nakatutok din sa pagbabantay sa hospital.

Sa hospital na rin daw nila sinilebrayt ang Father’s Day kahit apat na oras lang siya allowed na mag-stay sa hospital.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: