PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Gabby at KC para na lang magkapatid

KC at Gabby Concepcion

Nakasama ni Gabby Concepcion sa Father’s Day lunch ang mga anak na sina KC at Garie Concepcion at ang dalawa niyang anak sa misis niya ngayon. Sa IG (Instagram) story ni KC, sinabi nitong Indian cuisine ang nai-serve ni Gabby sa kanila. Si Cloie lang ang wala sa mga anak ng aktor.

Ang ganda ng Father’s Day message ni KC sa ama at sa huli, nag-I love you-han ang mag-ama. Sa picture, kitang-kita ang laki ng kanilang pagkakahawig at para lang magkapatid.

Sa interview kay Gabby sa taping ng Magpakailanman sa epi­sode nila ni Janice de Belen, nabanggit nitong hindi siya nakikialam sa love life ng mga anak at naka­suporta lang siya. Ready na siyang maging lolo, pero hindi siya patatawag na ganito.

Tinatama pala namin ang nasulat na malapit-lapit nang magtapos ang Ika-6 Na Utos, ang daytime prog­ram ng GMA 7. Matagal pa pala ang itatakbo ng show.

Dennis tatay na tatay na sa anak ni Jennylyn

Nagbakasyon ng ilang araw sa Baguio si Dennis Trillo at ang buo nitong pamilya, pero bago ang June 19, bumalik sila para sa Manila mag-celebrate ng Father’s Day. Pinagsama nina Dennis at Jenny­lyn Mercado ang kani-kanyang pa­milya sa selebrasyon.

Ang ganda ng pictures sa social media na nasa isang mesa ang Ho family nina Dennis at pamilya ni Jennyln na sila lang ng amang si Noli Pineda at anak na si Jazz. May picture rin si Dennis kasama ang ama at anak na si Calix at ama ni Jennylyn at anak nitong si Jazz. Pinansin ng netizens ang akbay ni Dennis kay Jazz na parang akbay ng isang tunay na ama.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipinost ni Jennylyn ang picture nila ni Dennis kasama ang kanilang mga tatay. Nakakatuwa na tuwing may special occasion ay sama-sama ang kanilang pamilya.

Fil-Am actor/produ inangkin na ang anak sa iba ng misis

Nakakatuwa naman ang Fil-Am actor/producer na ito dahil inangkin na rin at itinuturing na tunay na anak ang anak ng kanyang misis. Anak ito ng misis niya sa Fil-Am actor/producer sa unang nakarelasyon, pero nang ipakilala siya nang mag-guest sa isang TV show ay “Father of two kids.”

Ipinakita rin ang family picture ng Fil-Am actor/producer with his wife and kid at ang binatilyong anak ng asawa sa unang karelasyon. Curious tuloy kaming alamin kung legally adopted na nito ang bi­na­tilyo at kung apelyido na niya ang gamit nito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: