PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

AiAi kailangang gumastos bago magka-anak

AiAi delas Alas at Gerald Sibayan

At 52, tiyak na mahihirapan nang magbuntis ang singer-comedienne na si AiAi delas Alas pero sa tulong ng modern medical technology ngayon, baka maging posible pa rin ito.

Kung si AiAi lamang ang masusunod ay gusto pa rin niya na magkaroon sila ng sariling anak ng kanyang fiancé na si Gerald Sibayan na puwede rin naman kung mag-a-adopt sila.

AiAi and Gerald are set to get married in church bago magtapos ang taong kasalukuyan sa advise na rin sa kanila ng kaibigang Obispo ni AiAi na si Bishop Antonio Tobias ng Novaliches, Quezon City.

Tirso sukdulan na talaga ang kasamaan

Na-master na nang husto ni Tirso Cruz III or Pip ang pagiging bad ng kanyang character bilang si Julio Ardiente ng Wildflower na pinangungunahan ng Kapamilya star na si Maja Salvador.

Dala-dalawa ang tumatakbong TV series ni Pip sa Dos nga­yon, ang panghapong drama series na Wildflower at ang primetime love drama series na A Love To Last na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

Sa paglipas ng mga taon ay lalo lamang naging mahusay si Pip bilang isang character actor kaya hindi ito nawawalan ng proyekto hanggang ngayon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Randy at Willie may lamat na ang relasyon?!

Hanggang ngayon ay may nang-iintriga pa rin sa tunay na dahilan ng pag-alis ni Randy Santiago bilang director ng Wowowin game show hosted and produced ni Willie Revillame under GMA.

Although sinabi ni Randy na maayos siyang nagpaalam sa kanyang kaibigang si Willie para bigyang-daan ang kanyang career bilang actor na kasama sa bagong simulang suspense-thriller-drama TV series na La Luna Sangre, marami ang naniniwala na may mas malalim na dahilan kung bakit umalis ang nakatatandang kapatid nina Rowell at Raymart Santiago sa Wowowin.

Up to this writing ay hindi pa rin nagsasalita ang TV host-producer na si Willie sa tunay na dahilan ng pag-alis ni Randy.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: