PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Liza ayaw nang maging conservative!

Liza Soberano

Handang-handa na raw si Liza Soberano na magpakita ng katawan at magsuot ng two-piece bilang costume para sa pelikulang Darna na kanyang gagawin. Wala ring problema sa dalaga kung super sexy o conservative ang design ng costume na ipagagamit sa kanya.

“Of course, whatever is approved by the management, ‘yon po ang susuotin ko. But if I were to choose, anything naman, actually as long as I’m prepared for it,” bungad ni Liza.

Tuloy-tuloy na raw ang gagawing mature roles ng aktres sa mga proyekto kapag nakapagsuot na siya ng two-piece sa Darna. “Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year so I think it’s about time,” giit ni Liza.

Kamakailan ay napabalitang si Anne Curtis diumano ang makakasama ng aktres sa pelikula upang gumanap bilang si Valentina. “Oh I love ate Anne. I would like to work with ate Anne. Yeah, of course, but it all depends on who they want to portray as Valentina. I actually don’t have any idea on who will be with me on the movie, so far. I can’t think of anyone actually at the top of my mind to play Valentina because wala eh. I don’t know who could possibly do it. I don’t know talaga, wala po akong idea,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Nikko aminadong inilantad ang katawan para may mag-sponsor

Masyang-masaya ang Hashtags member na si Nikko Natividad dahil sa pagbibigay sa kanya ng It’s Showtime ng tiwala upang maging host.

Bukod sa pagsasayaw ay pinagho-host na rin si Nikko ng ibang segment sa nasabing programa. “In-advise-an nila ako na galingan ko raw. Kasi parang hindi na ako hinihilera as parang baguhang Hashtag pa rin ako. Pero ‘yung paghu-host, hindi pwede na lagi kong iisipin na bago ako. Kailangan ko raw na makasabay na ako sa ibang hosts, kina Vice (Ganda), Billy (Crawford). ‘Yon ang sinabi sa akin ng Showtime,” kwento ni Nikko.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, aminado ang aktor na maraming mga bading ang nagpaparamdam sa kanya kahit noong wala pa siya sa show business. “No’ng waiter pa lang ako. Lagi ko ring sinasabi na ang dami kong kaibigang bakla pero never akong nagkaroon (ng karelasyon), pero hindi ako galit sa mga bakla. Sobrang close ako sa kanila. Kaya nga ‘yung pagbabakla-baklaan, nagagawa ko agad dahil marami akong kaibigang bakla,” nakangiting pahayag ni Nikko.

Noong isang buwan ay nag-post ang aktor sa kanyang Instagram account ng video habang nagwo-workout sa isang gym. Nakahubad dito si Nikko kaya pinag-usapan ang pagpapaseksi na raw ng aktor. “Hindi ko sinadyang i-post ‘yon para sa gano’n. Kaya ko ipinost ‘yon kasi gusto kong magkaroon ng sponsor ng whey protein. Para malaman nila na, ‘Ah! Nagdyi-gym pala si Nikko, bigyan nga natin ito ng sponsorship.’ ‘Yon ang gusto kong ipakita, pero hindi dahil do’n sa kung ano mang iniisip nila,” giit niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: