PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hunk actor na papawala na ang career, hindi mabalikan ang dating mga kaibigan!

Hindi tanggap sa lugar na kanyang pinanggalingan ang isang hunk personality. Kung may mga naging masaya sa maganda niyang kapalaran sa pag-aartista ay hindi kabilang du’n ang mga taong madalas niyang makasama nu’ng nganga pa siya.

Lumobo na raw kasi ang kanyang ulo, para na rin siyang inapuntahan ng amnesia, hindi raw niya kilala ang kanyang mga dating kaibigan at kapitbahay nu’ng nangangarap pa lang siya.

Nagtagumpay naman ang hunk personality, binig­yan siya ng magandang oportunidad ng network kung saan siya nagsimula, gumanda ang kanyang buhay at nakatulong din ang male personality sa kanyang pamilya.

Sabi ng isang source, “Nabura na sa isip niya ang dati niyang buhay. Pamasahe lang kung minsan, e, wala siya, mga kaibigan niya ang nagbibigay. Pati ang meryenda, inililibre siya ng mga friends niya.

“Pero nu’ng nakikilala na siya, e, hindi man lang niya naiisip na dalawin ang mga taong nakatulong sa kanya. Wala talaga! Nu’ng minsan ngang imbitahin siya sa fiesta nila, nag-charge pa siya nang sobra-sobra, kaya hindi na lang siya kinuha.

“Madaling makalimot ang taong ‘yun! Siya ang literal na masasabing mabilis na nalunod sa isang basong tubig!” kuwento ng aming impormante.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ngayong hindi na kagandahan ang takbo ng career ng hunk actor ay napapatawa na lang ang mga dati niyang kaibigan. Isa lang ang kanilang nasabi, hindi babalik sa kanilang lugar ang hunk actor, dahil siguradong mapapahiya siya.

“Natural, alam niyang nakalimot siya, alam niyang may mga manunumbat sa kanya, kaya hindi niya gugustuhing bumalik sa pinanggalingan niya! Ano nga naman ang iisipin ng mga tagaroon, nu’ng palaos na siya, e, saka lang siya nakaalalang bumalik?

“Siguro nga, e, may naipon na siya, nasunod na niya ang mga kapritso niya, pero ano ang kasunod nu’n? Masaya ba naman siya? Napakaaga kasi niyang nagbago. Madali siyang nakalimot.

“Sana, natuto siyang lumingon, pinahalagahan sana niya ang mga taong naging witness sa kawalan niya. Diyetang-diyeta siya nu’n, walang-wala, pero maraming nagmagandang-loob sa kanya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Fans ni Maine tuloy ang pagrerebelde!

Sino ba ang mag-aakala na mismong mga tagahanga pa ni Maine Mendoza ang magdidiin sa kanya ngayon? Naging aktibo ang AlDub Nation sa pagsuporta sa loveteam nila ni Alden Richards pero mara­ming miyembro ng tropa ang umuupak ngayon kay Maine sa social media.

Masasakit ang mga salitang ipinatutungkol ng mga ito kay Maine, kinukuwestiyon ang pagiging totoo niya, damay sa isyu si Sef Cadayona.

“Deny pa more!” ang madalas na mababasa sa social media. Hindi raw kasi nagpapakatotoo si Maine sa publiko, lalo na sa mga taong sumusuporta sa kanya, kaya nagrerebelde ang mga ito.

Madaling intindihin ang kanilang sentimyento, kaya nga AlDub ang tawag sa kanilang grupo ay mga loyalista sila nina Alden at Maine, nakakulong lang sa magka-loveteam ang kanilang pagsuporta.

Ayaw nilang may ibang lalaking nauugnay kay Maine, bina-bash din nila ang mga babaeng napapalapit kay Alden, AlDub lang talaga sila.

At para silang mga private detective na nasusubaybayan ang mga ginagawa ng Dubsmash Queen. Pati ang palihim niyang pagpunta sa bahay nina Sef ay minamarkahan ng grupo, alam nila ang oras at kung kailan, siguradong pinagtatakahan din ‘yun ni Maine.

Pero ano nga ba ang magagawa ng grupo kung talagang si Sef at hindi naman si Alden ang nagpapasaya kay Maine? Mapipigilan ba nila ang dalaga sa pakikipagkita kay Sef?

Sabi ni prop, “Ang AlDub talaga ang modern day Guy & Pip fans. Ganyang-ganyan din nu’n ang mga fans nina Tirso Cruz III at Nora Aunor. Hindi puwede ang kahit sino’ng paningit sa loveteam, inaaway nila!

“Pero ano ang ending? Hindi rin naman nagkatuluyan ang mga idolo nila, hanggang sa harap lang ng mga camera ang pagpapakilig nila!

“Dapat kasi, e, hindi nila pinanghihimasukan ang personal na buhay ng mga idols nila. kung saan sila maligaya, dapat, e, happy rin ang mga fans nila,” komento ni propesor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: