PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Agimat ni Mang Ramon, tumalab na naman sa operasyon!

Senator Ramon Revilla, Sr. at Bong Revilla, Jr.

Tagumpay ang Mitral valve clipping procedure kahapon sa puso ni former Senator Ramon Revilla, Sr. kaya nagpapasalamat ang kanyang mga anak sa Diyos at sa lahat ng nagdasal para sa successful surgery.

Tulad ng madalas na sabihin ko, convinced na ako na may agimat talaga si Mang Ramon dahil sa edad na 90, malakas pa rin siya at nalalampasan ang lahat ng mga isyu tungkol sa health niya.

Pinayagan si Bong Revilla, Jr. ng Sandiganbayan na makadalaw kahapon kay Mang Ramon, ilang oras bago ito ipasok sa operating room.

Gaya ng mga nakaraan na operasyon kay Mang Ramon, kumpleto ang mga anak niya sa ospital na nagbantay sa kanya at hindi umalis hanggang hindi natatapos ang surgery.

“ My dad’s operation is ongoing. I, along with my siblings, saw him before he entered the operating room and we all witnessed his high spirits and apparent strength and confidence that he can get through all these. 

“Despite my fervent wish to be with my father at this time, I am now going back to the Custodial Center considering that I am only given 4 hours by the court today. 
“Please continue to pray for my father’s successful operation and fast recovery. Thank you very much for all your support,”
ang unang statement ni Bong nang ipasok sa operating room ang kanyang pinakamamahal na ama.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Makalipas ang isang oras, ibinalita ni Bong na successful nga ang surgery. 

“Operation went very well!!! Praise GOD. They will bring him to CCU first for monitoring. Continue praying for daddy’s fast recovery and free from complications. God is good!!! Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagdarasal para sa aming ama,” ang mensahe na ipinararating ni Bong sa lahat ng nag-alay ng prayers kay Mang Ramon.

IG nakakaadik!

Techie na ang beauty ko mula nang matuto ako na mag-text, magkaroon ng Instagram account (@akosilolitsolis) at ang latest, manood ng mga video sa YouTube habang nagbabakasyon ako sa Osaka, Japan.

Actually, ang video ng KBS Drama Awards ang paulit-ulit na pinanood ko kahapon habang ini-enjoy ko ang pagiging airport beauty ko sa Kansai Airport ng Japan. Sa kapapanood ko, memorized ko na ang theme song ng Descendants of the Sun at Love in the Moonlight na kinanta ng Korean singer na si Gummy. Kaloka ‘di ba, hindi ko ine-expect na sa edad 70, natuto ako na kumanta ng Korean song.

Cancelled kasi ang 9:50 a.m. Manila-Osaka flight ng Philippine Airlines dahil nagkaroon ng engine trouble ang eroplano kaya hinintay ng mga pasahero ang 8 p.m. flight ng Osaka-Manila.

In fairness, hindi ako nainip dahil bukod sa panonood sa YouTube, maasikaso ang staff ng PAL na sobrang apologetic habang pinapakain ang lahat ng mga pasahero.

Kahit may mga nagsasabi na madalas na delayed ng mga biyahe sa PAL, ipinagmamalaki ko ang flag carrier ng bansa natin dahil sa mabuti at maayos na pag-aalaga ng mga empleyado sa kanilang mga pasahero.   

Nakatsikahan ko sa waiting area ang isang Japanese businessman na nagkuwento na naranasan na niya noon na ma-delay ang kanyang biyahe sa PAL from Japan to Manila pero hindi siya naimbyerna ‘ha?

Ang PAL pa rin ang favorite airline niya dahil maasikaso at mababait daw ang staff. Puwedeng-puwedeng lumipat sa Japan Airlines ang Japanese businessman pero pinili pa rin niya ang PAL.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: