PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Baron Geisler at Kiko Matos nagmurahan, naghamunan at nagsapakan sa presscon!

Baron Geisler

MANILA, Philippines - Agaw-eksena sa presscon kahapon ng URCC (Universal Reality Combat Championship) ang inactive actor na si Baron Geisler.

Gate crasher daw kasi ito at hindi naman talaga invited sa event kung saan ang isa sa mga naroong fighter ay si Kiko Matos.

Pagdating ni Baron ay agad siyang umupo sa presidential table, sa tabi ni Kiko.

Noong una ay inaalok pa ni Baron si Kiko ng kinakain niya. Pero maya-maya, na ang akala ng lahat ay nagbibiruan lang ay naging eksena na. Kinasahan na ni Kiko si Baron at itinulak sa upuan na naging rason para mapahiga si Baron sa upuan.

Kiko Mitos

Agad namang may umawat sa kanila pero hindi natapos ang pagbabanta ni Baron kay Kiko kaya habang papalabas ito ng ballroom ng Winford Hotel and Casino kung saan naganap ang presscon, nagmurahan sila. As in kung anu-ano’ng mga masasamang salita lalo na sa part ni Baron na parang nakainom ang lumabas sa kanyang bibig.

Hindi ko lang alam ha kung for real or reel ba ang nasabing hamunan ng dalawang actor na may history na ng bakbakan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Natatawa na lang ang mga fighter na ang iba ay may hawak na mga championship belt tulad ni Chris Hoffman na URCC Light Heavyweight Champion, Derrick Easterling, Mark Striegl at marami pang Pinoy MMA fighters.

Basta tumagal din ng ilang minuto ang murahan at bantaan ng dalawang actor na minsan nang naglaban na ang URCC din ang nag-produce pero kinalaunan ay inamin nilang may agreement ang nasabing laban.

After the presscon ay kinuyog ng media si Kiko dahil in fairness may name naman siya sa presidential table at invited nga raw siya sa nasabing event dahil lalaban siya pero si Baron nga ay hindi. “Hindi ko rin alam kung bakit siya nandito,” pakli ni Kiko.

Isa sa mga lalaban si Kiko sa Manila event ng URCC sa Araneta Coliseum na magsisimula sa August 12.

Pero totoo raw na nag-encourage sila sa ibang mga celebrity na nasa Martial Arts na sumali sa gaganaping bakbakan.

Dahil nga hinamon na siya ni Baron, malamang daw na ito na ang makalaban niya sa bakbakan sa The Big Dome.

Pero walang kinumpirma ang organizer sa pamumuno ni Mr. Alvin Aguilar kung sila na nga ang maglalaban.

Anyway, nagkaroon na ng global expansion ang URCC.

Ginanap sa San Francisco, California ang kauna-unahan nilang event sa US.

Magkakaroon din sila ng URCC MMA Action sa Beijing, China sa July 8, 2017. Magaganap ito sa Beijing Sport University kasama ang Team Pilipinas.

Ang Team Pilipinas ng ay pinamumunan ni Chris Hofmann at DEFTAC and URCC Women’s Flyweight World Champion Geli Bulaong.

Anyway, abangan natin kung magbabanggaan sina Baron at Kiko for real sa Araneta kasabay ng mga tigasing Pinoy fighters na miyembro ng #TeamPilipinas.

Rika at James

Hindi nakapagpigil , Nadine pinatos ang mga nagmalisya sa yakapan ni James at friend niya!

Hindi nakatiis si Nadine Lustre sa mga nagbigay ng malisya sa picture ng boyfriend n­iyang si James Reid na naka­yakap sa bestfriend umano ni Nadine. 

As in sunud-sunod ang pasaring ni Nadine sa Twitter kung saan meron siyang almost 1.5 million followers.

Pero walang banggit si Nadine ng particular na subject sa kanyang mga patutsada pero mabilis na naikonek sa nasabing litrato na nagkalat agad sa social media.

“I’m sorry, but SERIOUSLY. WTF are you all going on about?

“Talking shxt about my best friend?

“Your minds belong to the gutter.

“Judge me all you want, but talk shxt about my friends.. Ill shut you all down.

“Ya’ll know who Im talking about here.

“They’re not even fans.

“They’re just there to hate and make issues. Disheartening the real fans,” ang pahayag niya sa Twitter.

Maya-maya ay kumalma na siya at sinabing may date pa siya sa PS4. “Now if ya’ll excuse me.. Im late for my date with my PS4.

‪#JaDinesjustlove”

Hindi tinatantanan ng intriga ang JaDine lately pero ito ngang pagmamalisya kay James at friend niyang girl na umano’y Rika ang pangalan ang pinatulan ni Nadine.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: