Wonder Woman pinuri ang galing ni Paolo Ballesteros
MANILA, Philippines – Natuwa si Wonder Woman star Gal Gadot sa makeup transformation ni Kapuso host at actor Paolo Ballesteros.
Ibinahagi ni Gal sa kaniyang Twitter account ang timelapse video ni Paolo habang ginagawa ang transformation.
Wow! This is incredible @pochoy29 Bravo #WonderWoman pic.twitter.com/i52koeUz8U
— Gal Gadot (@GalGadot) June 14, 2017
Unang inilabas ito ng Eat Bulaga mainstay sa kaniyang Facebook live session kung saan sa dulong bahagi ay nagsuot din siya ng Wonder Woman costume.
Isa si Gal sa marami nang ginayang international star ni Paolo kabilang sina Ariana Grande, Michelle Obama, Katy Perry, Miley Cyrus at maging sina Pia Wurtzbach at Megan Young.
- Latest