^

PSN Showbiz

Local version ng sikat na Korean movie gagawin ni Sarah G.!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Local version ng sikat na Korean movie gagawin ni Sarah G.!

Sarah Geronimo

Wow, hindi lang pala ang pelikula with John Lloyd Cruz ang pelikula for this year ni Sarah Geronimo. Ito ang kuwento ni Boss Vic del Rosario nang sandali kong makatsika the other night.

Yup may isa pa siyang movie na magiging anniversary presentation ng Viva Films sa November. At ang pelikula, ang Pinoy adaptation ng sikat na Korean movie noong 2014 na Miss Granny.

Super patok ito nang ipalabas sa Korea kaya naman nagkaroon ito ng version na Chinese, Vietna­mese, Thai, Indonesian, Indian, and Japanese.

At super hit ito sa lahat ng gumawang bansa.

Bukod sa Tagalog adaptation na pagbibidahan ni Sarah magkakaroon din ito ng English and Spanish version ayon pa kay Boss Vic. Wow.

Anyway, almost done na raw ang movie nina Sarah and John Lloyd at showing na ito sa July.

Ella Cruz at Julian Trono

Julian at Ella ayaw magpanggap na may relasyon!

May playdate na August 2 ang launching movie ng Ella Cruz and Julian Trono, ang Fan Girl/Fan Boy.

Yup, ilang shooting days na lang ay tapos na ang pelikula ng magka-loveteam na YouTube sensation.

Kahapon ay sa area sila ng Manila nag-shooting at may rain effect ang mga eksena. Pero apektado sila sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila dahil maraming bombero ang naka-stand by sa nasabing lugar matapos ngang makumpirma na 36 ang namatay at mahigit 50 katao ang sugatan matapos ang pag-atake ng umano’y isang nawala sa sariling suki ng casino.

Kaya naman iisang truck ng bumbero ang naka-stand by sa shooting nila kahapon. Pero balita naman ni Direk Barry Gonzales, may magsu-supply naman sa kanila ng tubig na kailangan nga sa nasabing eksena.

Anyway, balita ng magka-loveteam, sobrang chill lang daw ang pelikula nila. “Walang goal na magpaiyak. Ayaw namin ng mabigat. Ang gusto lang namin ay mapasaya ang fans, ‘yung mapunta sa limelight ang fans,” sabi ni Ella.

Sa kuwento ay pareho silang fan.

Si Julian ay isang aspiring actor na ina-idolize ni Ella habang ang young actress ay isang dubber ng Korean actress na ina-idolize ng character ni Julian.

Eh ano naman ang reaction nila na isa sila sa paboritong loveteam ng Viva sa kasalukuyan?

 “Nakakatuwa, sobrang nao-overwhelm po talaga kami. Pinagkakatiwalaan nila kami ng malalaking project like ito ngang pelikula. Kaya naman po ginagawa namin lahat para mapaganda pa ang pelikula,” sagot ni Ella.

“Overwhelming po talaga. Kaya talagang double effort. All out ang ginagawa namin para mas lalong umingay ‘yung pelikula namin. Kami na ang nag-i-initiate kung ano’ng puwedeng gawin para makatulong sa loveteam namin lalo na nga’t mas hands on kami sa social media,” sabi naman ni Julian.

Pero very honest ang dalawa sa tunay nilang setup. Ini-enjoy lang daw nila ang kanilang mga ginagawa at wala munang involved na feelings.

Wala sila parehong karelasyon pero kung meron man gustong ligawan si Julian o magpaligaw si Ella sasabihin nila sa isa’t isa.

“Basta ini-enjoy lang namin ‘yun trabaho namin. Nagtutulungan kami para naman maibalik namin sa Viva ang mga trust na ibinibigay nila sa amin. Kaya ginagawa namin ang best namin,” dagdag ni Ella.

Anyway, debut project ni Direk Barry ang Fan Girl/Fan Boy pero matagal na siyang assistant director sa mga pelikula ng Star Cinema.

Azenith Briones at Eleuterio Reyes

Asawa ng ex-beauty queen/actress, patay sa Resorts World attack!

Nakakakilabot ang nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila na ikinasawi ng almost 40 katao kasama na ang mga empleyado at mga guest.

Buti na lang at nagkataong walang isinasagawang stage play o concert sa Newport Performing Arts Theater.

Madalas itong pagtanghalan ng mga foreign stage plays o concert ng mga local and international artists.

Though medyo late na ‘yun, pero ganung oras usually natatapos ‘pag may concert.

Ang isang andun lang na may regular show ay si Mitoy Yonting pero nakatakbo agad sila ng kanyang mga kabanda.

Anyway, kasama sa mga nasawi ang mister ng dating aktres na si Azenith Briones na si Eleuterio Reyes na mas kilalang Rey Reyes.

Nakikiramay po kami sa pamilya ng mga nasawi sa nasabing malagim na pangyayari.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with