^

PSN Showbiz

Tom sure nang pakakasalan si Carla! Make up artists ng mga artista mahusay magkalat ng tsismis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Tom sure nang pakakasalan si Carla! Make up artists ng mga artista mahusay magkalat ng tsismis

Carla Abellana at Tom Rodriguez

PIK: Pagkatapos ipagdiwang ng mga Noranian ang kaarawan ni Superstar Nora Aunor, kahapon naman ay sinile­brayt nila ang Golden anniversary ng pagkapanalo ni Ate Guy sa Tawag Ng Tanghalan.

Bahagi ng text sa akin kahapon ng isang Noranian; “50 years ago, Ms. Nora Aunor was declared as Tawag ng Tanghalan grand champion after being undefeated winner for 14 weeks!

“She’s the youngest champion at the age of 14 in the history of Tawag ng Tanghalan.

“Her winning piece last May 29, 1967 was the song, Moonlight Becomes You and her other songs identified to her like, People, This is My Life, Ikaw ang Superstar ng Buhay Ko, Habang Panahon, Pearly Shells.”

Sa October 7 ng taong ito ay isi-celebrate naman daw nila ang anibersaryo ng pagiging contract star ni Nora sa Sampaguita Pictures.

Isi-celebrate kaya ito ng Sampaguita?

PAK: Dapat mag-ingat ang mga artista sa ilang make-up artists na nakatrabaho nila dahil sila ang ka­dalasan na source ng tsismis na nangyayari sa ta­ping.

Kagaya ng nangyari sa taping ng isang regular show na napapanood tuwing weekend.

May nangyaring gulo pala sa isa sa mga mainstay na nakaengkuwentro ng isang guest artist.

Tikom ang bibig ng mga co-star dahil ayaw na nilang kumalat pa ito. Tinapos naman daw ang isyu, pero hindi lang sila sure kung nagkaayos.

Mahigpit na ipinagbilin na walang magkukuwento, pero napag-usapan  kamakailan lang dahil sa kaagad na ikinalat daw ng isang make-up artist. Hindi lang kami sure kung sino sa mga regular make-up artists na nagtatrabaho sa programang iyon ang nagkalat.

BOOM: May mga nabago raw sa plano ni Tom Rodriguez nang yumao ang kanyang ama.

Balak niya kasi sanang ikuha ng bahay sa Subic ang ama dahil gusto na raw nilang dito manirahan, pero maaga nga itong namaalam.

Ang sure lang daw siya sa mga nakaplano niya sa buhay ay ang sa kanila ni Carla Abellana. Habang tumatagal ay lalong napapamahal daw sa kanya si Carla at tingin nga raw niya ay lalo itong gumanda.

Ganun daw yata kapag lalo kang nai-in love kaya masasabing ito na raw ang babaeng makakasama niya habang buhay.

Ayaw lang ibahagi ni Tom, pero may plano na raw sila ni Carla. “Sa amin na lang ‘yun. Siyempre meron, kaya nga kumakayod,” napangiti niyang sagot nang tinanong namin kung kailan na ang planong pagpapakasal.

“Habang tumatagal, mas lalong tumitibay. It’s great to have a partner talaga.

“Someone that I consider my partner who’s not only supporting me especially with this challenge in my life…what happened with our family, my dad,” sabi pa nito.
Kaya todo-kayod daw muna siya ngayon para sa plano nila ni Carla.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with