^

PSN Showbiz

Kasambahay natatakot, actress kung sinu-sinong lalaki ang inuuwi sa condo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naalala n’yo pa ba ang kuwento tungkol sa isang maganda at magaling na aktres na sabay-sabay na iniwanan ng kanyang mga kasambahay dahil sa kanyang pagda-diet? Nakakaloka ang kuwento.

Dahil sa kanyang pagda-diet, ayaw na ayaw niyang nakakaamoy ng niluluto ng kanilang kusinera, hindi rin puwedeng kumain ang kanyang mga kasambahay habang nandu’n pa siya dahil ayaw niyang may nakikita siyang malayang kumakain ng kahit anong gusto nila.

Sabi ng source, “Damay-damay na ang gusto niyang mangyari. Porke nagda-diet siya, kailangang magdiyeta rin ang mga kasama niya sa bahay! Ayun, nilayasan siya ng mga maid-of-cotton niya!”

E, ‘yung young actress na walang pakialam sa kanyang mga kasama sa sasakyan, kahit mugmog na lang ng kinakain niya ay hindi man lang makapag-share? Di ba, iniwan din siya ng kanyang PA at driver?

May bagong female personality na pinagpaplanuhan na ring talikuran ng kanyang mga kasama sa bahay. Pero walang kinalaman sa pagkain ang dahilan. Takot na takot ang mga ito na baka may mangyaring disgrasya sa girl at sila pa ang masisi ng pamilya ng young actress.

“Natural lang na matakot ang mga kasamahan niya sa house. Pinagkakatiwalaan kasi sila ng parents ng girl. Maraming bawal, pero hindi naman sinusunod ng young actress ‘yun, lalo na sa pagdadala niya ng mga lalaking kaibigan sa condo unit niya.

“Paano nga naman kung may mangyaring kung ano sa girl, e, wala naman silang alam kung ano na ang nangyayari sa bedroom niya kapag sila-sila na lang ng mga katropa niya ang nandu’n? In fairness, wala raw namang bawal na bisyong ginagawa ang young actress.

“Pero paano kapag lumaki ang tiyan niya, sino ang ituturo ng mga kasambahay nila, e, wala nga silang alam? Pinatutulog na kasi sila kapag nagkakasarapan na ang tropa?

“Naku, kunin na lang daw sana ng mommy niya ang girl para walang sabit! Bakit daw kasi siya pinayagang tumira sa condo, e, hindi naman privacy ang napapala niya, dahil palagi siyang nagdadala ng mga male friends niya sa tirahan niya!

“Hitsura ng hotel ang unit niya! Pagkatapos nila ng taping, nandu’n na silang lahat! Para makaiwas ang mga kasambahay niya sa sisihan, nagpaplano na rin silang mag-alisan ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Angel hitsurang nanganak na raw ang katawan

Marami kaming tinanggap na tawag nu’ng Sabado nang gabi. Si Angel Locsin ang topic. Nakikipaghabulan na raw ng katabaan ngayon ang magandang aktres sa kasalukuyang girlfriend ng kanyang ex na si Jessy Mendiola.

Sayang, ang galing-galing pa raw naman ni Angel sa MMK, pero hindi ang galing niya sa pag-arte ang mas napansin, kundi ang kanyang katawan na pangnanay na ang dating.

Komento ni prop na tumutok sa episode, “Maga­ling na talagang umarte si Angel. Pinaghahandaan talaga niya ang mga roles na tinatanggap niya. Ang facial expression niya, ang accent bilang Muslim, naibigay niya ang kailangan.

“Naalarma lang ako, kaming magkakaibigan na nagkuwentuhan din kanina after the program. Super-laki na ng katawan niya, nagmumura ang balakang niya, ‘yun siguro ang reason talaga kaya hindi na siya ang gaganap na Darna.      

 “Sobrang happy and contented si­guro ng buhay niya ngayon kaya nahihilig siyang kumain nang kumain. Dalaga pa siya, wala pa siyang asawa, pero ang dating ni Angel, e, parang nanganak na siya!

“Huwag nang masyadong bina-bash ng mga fans niya si Jessy Mendiola. Nakakahiya. Hindi na nagkakalayo ang porma nilang dalawa. Sa pata na lang siya nalalamangan ni Jessy.

“Mas malaki kasi ang mga pata ng girlfriend ni Luis Manzano, pero kabog ni Angel sa laki ng balakang si Jessy! Mahilig pala sa mga balakangin si Luis?” tanong-opinyon ng kaibigan naming propesor.

Ang positibong pagpuna ay may malaking naitutulong sa mga artista. Huwag magagalit-maiinis, para naman sa ikagaganda nila ang mga pagpansin, kung tatanggapin nila sa positibong paraan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with