^

PSN Showbiz

DZMM Teleradyo mas pinalawig pa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalo pang lumawak ang paghahatid ng balita at serbisyo publiko ng DZMM TeleRadyo sa buong kapuluan ngayong napapanood na ito sa free TV sa pamamagitan ng ABS-CBN TVplus.

Mas marami nang mga Pilipino ang nakakarinig at naka­kapanood ng mga programa ng DZMM, na nagsimula bilang AM radio station ng ABS-CBN sa Mega Manila halos 31 taon na ang nakakaraan at unang nagdala ng mga programa nito sa telebis­yon noong 2007 sa cable.

Ipinagdiwang ng DZMM Teleradyo ang ika-10 taon nito sa ere sa isang trade event nitong Mayo kung saan ibi­nahagi ni ABS-CBN News head Ging Reyes ang ma­rami pang mga pagbabagong magaganap sa DZMM upang lalo pang mapagbuti ang serbisyo nito sa mga Pilipino.

Ilan dito ang bagong studio at mas pinagandang kali­dad ng video sa TeleRadyo. Pinalakas din ang lineup ng DZMM na ipina­palabas na rin ang newscast nina Ka­ren Davila, Ces Drilon, at Julius Babao na Bandila ng 10pm, hiwalay sa airing ng prog­rama sa ABS-CBN pagkatapos ng Tonight With Boy Abunda. Araw-araw ding makakapanood ng current affairs programs tuwing 2pm, tulad ng Rated K, Matanglawin, Ipaglaban Mo, S.O.C.O, at Mukha.

Samantala, patuloy din ang pagbibigay nila ng saya at serbis­yo publiko sa mga barangay sa Metro at Mega Manila sa pamamagitan ng DZMM Kapamilya Day. Dito, live na isinasagawa ang programa sa mga barangay at pinopokus ang mga isyu sa komunidad at bansa. Bukod pa dito, may Zumba sessions, livelihood seminars, at pa-birthday din ang DZMM sa mga residenteng nagdiriwang ng kaarawan. Kadaraos din ng Buntis Congress ng DZMM, na 15 taon nang gumagabay at umaalalay sa mga ina at magiging ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with