^

PSN Showbiz

Duck face nina Dingdong at Zia sa sosyal na mag, bumenta!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pang-Father’s Day ang latest issue ng Esquire magazine na cover sina Dingdong Dantes at anak nitong si Zia. First magazine cover ito ni Zia at tiyak, masusundan pa.

Ipinost ni Marian Rivera sa Instagram (IG) ang magazine cove­r at may caption na “Family is life’s greatest blessing, i’m so blessed to have you both in my life. #Priceless #ProudToBeNanay #BreastFedBabyZ.”

May ibang pictures pa ang mag-ama at pinakakuwela ‘yung naka-duck face sila.

Ang daming nag-like sa post ni Marian kabilang si KC Concepcion.

Samantala, pa-Amerika sina Dingdong at Marian para sa celebration ng Philippine Independence Day sa California. Sa June 3, nasa Pista sa Nayon sa Vallejo, California at sa June 10, sa Carson Veterans Park naman sila.

Serye ni Jennylyn maiksi lang ang buhay

Kahit may grupo raw ng fans na magbo-boycott sa airing ng My Love From The Star, mas marami ang nangakong susuporta sa pilot mamaya at buong airing ng rom-com series. Kahit hindi fans nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva ay nagsabing susuporta rin.

Nakikita nating kering-keri ni Jennylyn ang role at karakter ni Steffi, pero nahirapan din siya. “Light siya pero hindi siya light, sa totoong buhay kasi umaarte siya ng masaya at luka-luka pero kailangan ‘yung mata mo malungkot. Kasi malungkot na tao si Steffi, so mahirap siya. Mahirap talaga siya,” sabi ni Jennylyn.

Maiksi lang ang airing ng My Love From The Star, sabi ni director Bb. Joyce Bernal, 11 weeks lang ito dahil ‘yun ang kontrata ng GMA 7 sa Korean producers. May nagsabi namang hanggang 21 episodes lang ito.

Jak BF na ni Barbie

Si Jak Roberto ang narinig naming pangalang binanggit na boyfriend ni Barbie Forteza ni Boobsie na kasama sa Sunday PinaSaya. Hindi na nagulat ang mga nakarinig dahil hayagan ang pagde-date ng dalawa at dumadalaw pa nga si Jak sa rehearsal ni Barbie sa SPS.

Parang kailan lang, kay Ivan Dorschner tinutukso ng kanyang mga kasama sa SPS si Barbie at si Ivan din ang nakikitang dumadalaw kay Barbie sa rehearsal. Ano ang nangyari at tila naitsapwera si Ivan at si Jak na ang boyfriend ni Barbie?

Magkasama sina Jak at Ivan sa Meant To Be, mabuti at hindi apektado ang friendship ng dalawa na pareho silang involved kay Barbie.

Kiko ‘di pinayagang lumipad

Sa third week pa ng Mulawin vs. Ravena lalabas ang karakter ni Kiko Estrada na si Rafael. Anak siya ni Savanah (Charie Pineda) at friend ni Almiro (Derrick Monasterio) sa umpisa na magiging kaaway. Totoong tao ang karakter ni Kiko kaya wala siyang costume at hindi siya lilipad.

Hindi raw siya naiinggit sa mga kasama na may costume at lilipad, pero excited sa magiging twist ng kanyang karakter at sa magandang pagkasulat ni director Don Michael Perez. Sa takbo ng istorya, magiging karibal siya ni Derrick kay Bea Binene.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with