^

PSN Showbiz

Vice nawiwiling ipag-shopping ang mga batang contestant

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maraming beses na akong pinaiiyak ni Vice Ganda sa ipinamamalas niyang kabutihan sa mga sumasaling bata sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Hindi lamang mga bata, kundi minsan ay nakakasama na sa kanyang gene­rosity ang pamilya nila.

Ang pinakahuling batang contes­tant na nabiyayaan ng kanyang mabu­ting kalooban ay si R-jay Cuison na hindi man siguro mahirap, pero nakagaanan niya ng loob kaya isinama niya sa kainan kasama ang ina’t ka­patid nito. Pagkatapos ay ipinag-shopping niya ito ng ipinangako niyang bagong sapatos at sinamahan pa ng mga bagong damit.

Mister ni Maricel Laxa mahusay na speaker

Ang galing pala ng asawa ni Maricel Laxa-Pangilinan at ama ng sumisikat na si Donny Pangilinan na si Anthony Pangilinan na magsalita at magbigay ng inspirational talk sa mga empleyado. Hangang-hanga sa kanya ang mga kawani ng Pore It On Chemicals, Inc., gumagawa ng Skin Magical, isang skin whitening product, dahil sa ibinigay niyang speech tungkol sa leadership sa gabi ng awards at incentive para sa outstanding employees, distributors, direct sel­lers and partners ng kumpanya na pinamumunuan ni Gng. Ghie Pangilinan.

Isang masayang programa ang ginanap na host sina Diane Medina at Betong Sumaya. Nag-perform sina Tom Rodriguez, Marco Alcaraz, Rodjun Cruz, at Luis Alandy. Kasama nila ang latest endorser ng Skin Magical na si Bangs Cruz. Nauna nang mag-endorse ng produkto sina Aubrey Miles, Marian Flores, Sunshine Garcia, DJ Chacha, at Valerie Concepcion. 

Gil, Gabby, at Christian may nabuo sa Love...

May out-of-this-world friendship na ring nabuo sa cast ng upcoming series ng GMA na My Love From The Star. From the look of it kasi, mabilis na naging close ang cast nito lalo na sina Gil Cuerva, Gabby Eigenmann, at Christian Bautista. Hindi maikakaila ito sa posts nila sa social media. 

Samantala, kaliwa’t kanan na ang nakikita naming posts regarding sa excitement ng viewers sa pagsisimula ng My Love From The Star this Monday (May 29). After kasi ng guestings nina Jennylyn Mercado at Gil sa iba’t ibang GMA programs, kitang kita na maganda talaga ang chemistry nila.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with