^

PSN Showbiz

Sikat na singer noon nakarma sa kayabangan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Throwback Monday tayo dahil ang bumibida sa ating kuwento ay ang sumikat na male performer ilang dekada na ang nakararaan. Kasagsagan ‘yun ng kanyang career bilang singer.

Ibang klase raw naman talaga ang popularidad ng male singer na ito. Kalalabas pa lang ng kanyang plaka (wala pang CD nu’n, single pa lang at long pla­ying album ang meron) sa mga record bars ay meron na agad nagre-reorder ng kopya ng kanyang kanta.

Kulang na kulang ang supply, napakamabenta ng kanyang mga piyesa, ganu’n kuno katindi ang kasikatang inabot ng male singer nu’ng kanyang kapanahunan.

“Matindi ‘yun, ibang klase siya, talagang hawak niya ang publiko. Kalalabas pa lang ng single niya, puro tawag na ng mga recording companies ang tinatanggap ng production na humahawak sa kanya.

“Kahit ano ang kantahin niya, e, bentang-benta, ginagawa kasing theme song ‘yun ng mga magkarelasyon, kaya talagang tumatabo ang recording company niya,” pag-alala ng isang musikerong nakasaksi sa tagumpay ng male singer.

Pero may mga kuwento pala sa likod ng recording ng male singer, mahirap pala siyang katrabaho, dahil may kayabangan at kaepalan ang bokalista.

Sabi ng isang source, “Naku, bago siya mag-recording, e, ang dami-dami muna niyang binubusisi! Kailangang alam niya kung sino ang aakumpanya sa kanya. Siya ang kailangang pumili ng mga sesyonistang makakatrabaho niya!

“Saka may tantrums din siya. Marami siyang dahilan kapag hindi naibibigay ang mga demands niya. Kesyo malat daw siya, kesyo nilalagnat daw siya, pero wala naman! Napaka-OA niya!

“Kaya marami siyang nakakabangga sa recording company niya, lumaki ang ulo niya, dahil mabenta nga ang mga plaka niya! May title nga siya nu’n na ayaw niyang ipagamit sa iba, ‘di ba?

“Siya lang daw ang may karapatang tawa­ging jukebox chuchu, dahil kahit magkalabasan ng mga dokumento, e, siya talaga ang pinakabentang singer-recording artist! Marami siyang nakakaaway nang dahil lang sa title na ‘yun!

“E, walang forever, ‘di ba? Nagbabago ang panahon, maraming ipinanga­nganak na bagong singers, kaya natapos din ang kayabangan niya!

“Kung may bokalista ngayon na ma­sa­rap hampasin ng kawayan, e, may sikat ding singer nu’n na masarap paluin ng ka­hoy! Magsama silang dala­wa!”  pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Ubos!

Binibira kahit may karapatan, Kris balik sa pagyayabang!

Pagkatapos ni Gretchen Barretto ay si Kris Aquino naman ang nakatikim ng bashing dahil sa pagsusuot niya ng magagarbong alahas. Tantanan na raw sana ni Kris ang pagyayabang.

Pero sarkastiko ang lola n’yo, may nakahanda siyang sagot du’n, fully-paid na ang kanyang mga diamonds at pinaghirapan niya ‘yun.

Wala naman siguro siyang ibang pi­na­riringgan sa sinabi niyang pinagtrabahuhan niya ang ipinambili ng kanyang mga alahas. Hindi naman siguro siya nag­papatambis sa mga personalidad na alahada ang buong katawan pero hindi naman pinaghirapan ng mga ito ang ipinambili nu’n.

Basta nagsasabi lang siya ng totoo na pinaghirapan niya ang ipinambili ng mga hiyas na isinusuot niya sa pictorial at sa kahit anong okasyon na gusto niyang magsuot ng mga diamonds.

At sa argumentong ‘yun ay panalo si Kris. Saksi ang buong bayan sa drum-drum na laway na ipinuhunan niya sa pagho-host para siya kumita nang milyones at mabili ang mga alahas na gusto niya bilang premyo sa kanyang pagpapagod.

Regalo niya sa kanyang sarili ang milyun-milyong ha­la­ga ng mga alahas na meron siya nga­yon. Hindi niya ‘yun hiningi kahit kanino, hindi rin ‘yun nanggaling sa kaban ng yaman ng ating bayan, pinagtrabahuhan niya ang bawat hiyas na nasa kanyang taguan.

Maraming alaherang yu­ma­­man kay Kris. Kapag nagpa­papunta siya ng jewe­ler sa kanyang taping ay parang telang ikinakadkad sa kanyang mesa ang mga diyamante. Marunong siyang kumilatis.

Alam niya ang may nunal at wala. Alam din niya kung saang bansa nagmula ang diamonds. Hindi maloloko ang TV host sa pagkilatis ng tunay at pekeng bato.

Saka ano ba ang pakialam natin kung punuin man ng diamonds ni Kris ang buo niyang katawan? Inabala ba niya tayo sa pagbili nu’n, inutangan ba niya tayo, may nagutom ba sa atin nang bilhin niya ang diyamanteng regalo sa kanyang pagpapagod at pagpupuyat?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with