^

PSN Showbiz

Lolit Solis naisahan sina Jennylyn at Anne!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolit Solis naisahan sina Jennylyn at Anne!

Lolit at Kim Soo Hyun

Ngayong gabi na ang simula ng pagpapalabas ng local adaptation ng  My Love from the Star na pangu­ngunahan nina Jennylyn Mercado and Gil Cuerva.

‘Yun nga lang, hindi nagkaroon ng chance ang dalawang bida na makadaupang palad ang Korean superstar na si Kim Soo Hyun na gumanap sa ori­ginal role na gagampanan ni Gil nang dumating ito sa bansa para sa launching ng QLED TV ng Samsung.

Hindi raw nag-match ang effort ng GMA 7 sa management ng Korean actor.

Kinabog pa sila ni Nay Lolit Solis na hindi man naka-selfie o photo op with Kim Soo Hyun, natuwa naman ito nang tilian niya ng ‘I love you.’

Yup, obvious na natuwa si Kim sa ‘I love you’ ni Nay Lolit na hindi niya inasahang gagawin niya. Napangiti at napapalakpak si Kim sa talent manager at PSN columnist na isang certified late bloomer stalker. Hahaha.

Actually kahit si Anne Curtis tinalbugan niya (Nay Lolit) sa nasabing ‘eksena’.

Jennylyn at Gil

Anyway, ang bongga ng QLED TV ng Samsung. Parang painting na lang ang hitsura ‘pag sinabit mo sa wall. Yup, walang masyadong cable at manipis na manipis na. Wala kang makikitang gap. At kakaiba ang linaw. Buhay na buhay.

Taob nito lahat ng mga TV na naglalabasan at nagsasabing sila na ang pinaka-high tech sa lahat. Medyo mahal nga lang.

Sa nasabing gathering na ginanap sa Okada Manila titled The Next Frontier na pinangunahan nga ni Kim Soo Hyun, idinekelara ng Samsung Electronics Philippines ang bagong era of television viewing sa QLED TV.

With its exclusive Quatum Dot technology , ang nasabing TV  ay may perfect color, making a powerful combination that revolutio­nizes picture quality.

At dahil super smart ang TV na ito, high tech at smart din ang remote that covers all connected devices kaya hindi mahihirapan ang mga gagamit. Users can also turn their mobile phones into a personal remote control sa pamamagitan ng Smart View app.

“Each year we challenge ourselves into coming up with upgrades and innovations, but this year’s QLED TV really is the pinnacle of high quality viewing,” pagbabahagi ni Samsung Product Marketing Head for AV Jun Guevara, “From pure lifelike colors, to the easy-to-use One Remote Control, to attention to design inside and out- QLED TV ends the debate  and is undoubtedly the next innovation in TV.”

Sina Ms. Tessa Prieto-Valdez and Direk Paul Soriano ang local ambassadors ng QLED TV.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with