^

PSN Showbiz

Dalawang Matteo Do nasa KMJS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ngayong Linggo (May 28), tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang dalawang lalaking kilala bilang si Matteo Do ng hit Koreanovela na My Love from the Star—si Korean actor at heartthrob Kim Soo-Hyun at si Kapuso Rising Star Gil Cuerva.

Halos sumabog ang mundo ng Ko­rean drama fans nang dumating kamakailan dito sa Pilipinas ang Korean actor na si Kim Soo-Hyun. Ang kanyang role ay bibigyang kulay ngayon ng Kapuso Ri­sing Star na si Gil Cuerva sa Philippine adaptation nito.

Dalawang kuwento naman ng pag-ibig ang pumukaw sa kamalayan ng netizen ang itatampok. Una na riyan ang pagpapakasal ng groom na si Christian, na kahit paralisado at naka-wheelchair, sumumpa ng wagas na pagmamahal sa kanyang bride na si Angela.

Marami rin ang kinilig sa litrato ng magkasintahan mula Gen San kung saan makikitang inaalalayan ng lalaki ang naka-wheelchair naman niyang nobya. Sa gitna ng mga kaguluhan, napapanahong damhin ang kapangyarihan ng pag-ibig.

Samantala, mas masaya nga raw ang piyesta sa Pilipinas kapag may mga palaro! Tulad na lang sa bayan ng Valencia sa Negros Oriental, magpadausdos sakay-sakay ang kanilang ligiron o improvised kariton. Habang sa bayan naman ng Peña­­randa sa Nueva Ecija, magkarerahan sakay ng mga balsa. Alimango naman ang pinagpupustahan sa pabilisan sa bayan ng Calauag sa Quezon.

Kakaiba naman magbenta ng mga baboy sa Dalaguete, Cebu. Tila sanggol itong inilalatag sa saha ng saging para raw ang mga baboy ay mapreskuhan, ma-relax at makatulog.

Marami pang kwento ang aaba­ngan sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with