Daniel at Vice, puro basketbolista ang kasosyo sa negosyo
MANILA, Philippines - Nagulat ang Teen King na si Daniel Padilla nang sorpresahin siya ng kanyang inang si Karla Estrada at ilang ABS-CBN executives sa isang advance celebration sa Manila House, Bonifacio Global City noong April 24 o dalawang araw bago ang kanyang actual birthday.
Nag-enjoy ang mga guest kabilang na ang pamilya ni Daniel, mga kaibigan, showbiz movers at media colleagues sa spectacular view ng Manila.
Umulan din ng pagkain ang nasabing event at may live acoustic bands pa.
Spotted sa party ang Kapamilya bosses na sina Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, at Carlo Katigbak. Naroroon din si Vice Ganda, ang lovey-dovey na sina James Yap at Michela Cazzola, at syempre pa si Kathryn Bernardo.
Present din sa birthday party ang dating San Juan Vice Mayor and former DLSU cager na si Francis Zamora na inaanak pa ang unico hijo nina James at Michela.
Sa said event din na-reveal na may bubuksang negosyo si Francis ka-partner sina Daniel at Vice Ganda.
Ilan sa kanila pang businesss partners ay ang PBA stars na sina James Yap and Marc Pingris, former PBA cager and San Juan councilor Paul Artadi, superstar DJ Ace Ramos, chef Kel Zaguirre and Ayala Land premier senior manager Charlton Yu.
- Latest