^

PSN Showbiz

Joel Cruz naglustay ng P12-M sa bagong kambal kilalang aktres ‘di sinipot ang titigbakin na show!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos ng Doble Kara, uma­asa si Edgar Allan Guzman na magkaroon ng bagong soap sa ABS-CBN dahil kailangan daw niyang mag-ipon para maipagpatayo na raw niya ng bahay ang kanyang ina at mga kapatid.

“Raket pa ako nang raket.

“Ayoko kasing mag-loan talaga sa bangko. Gusto ko yung sariling pera ko, Masarap yung feeling na sa akin nanggaling ang pinaghirapan ko.,” pakli ng Kapamilya hunk.

Bumili siya ng lupa sa Tagaytay na iyon daw dapat ang bibilhin ng nama­yapa niyang ama.

Sana raw ngayong taon ay matuloy na ang pagpapatayo ng aktor ng bahay.

“Hopefully bago ako mag-birthday maipatayo ko na yung bahay mapasimulan ko na. Naghihintay lang din ako ng another project after Doble Kara. Naghihintay lang ako ng isa pang teleserye para maipatayo ko lang ang bagong bahay,” umaasang pahayag ni EA.

PAK: Umabot pala ng 12 million pesos ang nagastos ni Joel Cruz para sa anak niya na idinaan sa Invitro Fertilization na ginawa sa Russia.

Sabi ng tinaguriang Lord of Scents;

“Kung isasama ko pati pamasahe ko, umabot kami ng 12M pesos. Pati na dun ‘yung airfare, yung hotel ko.

“Ang interpreter namin dun per hour, lawyer per hour, ‘yung mag-ayos ng documents dun, Russian passport nila, ‘yung birth certificate, Ministry of Fo­reign Affiars, sa justice.”

Nanghinayang nga si Joel dahil nung pumunta siya ng Russia, hindi pa nanganak ang surrogate mother ng pangatlong kambal niya.

Bumalik siya ng bansa nung May 20, at nung May 24 ay nakatanggap siya ng tawag mula sa contact person niya sa Russia na nanganak na ang surrogate mother nito, isang boy at isang girl ang kambal niya na pinangalanan niyang si Charles at Charlotte.

Sa June 24 ay susunduin na ni Joel ang bagong silang niyang kambal at baka isasama raw niya ang surrogate mother nito. Iisang nanay lang daw ang tatlong kambal niya, at gusto raw niyang isama ito dito sa Pilipinas.

BOOM: Kagabi lang ipinalabas ang episode ng isang programang hindi sinipot ng isang kilalang aktres.

Naloka raw ang staff ng programang iyon dahil biglang nag-demand daw si aktres ng sarili niyang glam team sa ilang minutong exposure lang sa prog­ramang iyun.

Madugo ang gagastusin sa glam team, kaya nakiusap ang production staff na kung puwede huwag nang kumuha ng glam team dahil sandaling guesting lang naman daw iyon.

Hindi sinipot ni aktres ang guesting na iyon dahil wala ngang glam team na mabibigay sa kanya. Mabuti na lang, magaling ang isang aktres na kasabay nitong nag-guest kaya nasalo niya ang part ng aktres na no-show sa guesting niya.

Masama ang loob ng production staff sa aktres na iyon dahil hindi man lang daw kinunsider na pang­huling episode na nila iyon, at magpapaalam na muna ang naturang programa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with