^

PSN Showbiz

Ariana babalik ng Manchester para mag-concert! Aiza walang takot, umapela sa Presidente na tantanan na ang rape joke!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Inutil ang mga showbiz news headline na ‘Kris Aquino is back!’ dahil hindi naman siya nawala. Unti-unti lang na nakakalimutan si Kris ng publiko dahil hindi na siya visible sa TV.

Scene: Sa lahat ng mga bumabalik, si Kris Aquino ang palaging may comeback every other month kaya hindi na sineseryoso ang kanyang pagbabalik.

Seen: Natsitsismis na buntis si Kim Rodriguez at isang pulitiko ang pinagbibintangan na ama ng kanyang dinadala pero isang ordinary looking guy at hindi government official ang nakita na kasama niya sa panonood ng pelikula sa Greenhills Pro­menade Cinema kamakailan.

Scene: Masyadong mabigat para sa mga batang fans ni Coco Martin ang kuwento ng Book 2 ng Ang Probinsyano. May mga suspetsa na inspired ang plot ng  Book 2 sa kuwento ng policewoman na nakipagrelasyon sa isang miyembro ng Abu Sayyaf.

Seen: Umaga pa lang, nakatambay na agad sa harap ng Kia Theater ang fans ni Alden Richards na nanood kagabi ng Upsurge concert ng aktor. Matiyagang hinintay ng fans ang pagbubukas ng Kia Theater gate.

Scene:  Ang apela ni Aiza Seguerra kay President Rodrigo Duterte na tigilan na ang mga rape joke. Si Duterte ang nag-appoint kay Aiza bilang chair ng National Youth Commission noong August 2016. Appointee rin ni Duterte si Liza Diño, ang asawa ni Aiza na chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Seen: Iilan na lang ang nakaalaala sa 45th birthday ni Rosanna Roces noong May 24. Buong showbiz ang bumabati kay Rosanna ng maligayang kaarawan noong kasikatan niya. Some good things never last lalo na kung inabuso ang popularidad dahil lumaki ang ulo.

Scene: Gumawa ng kasaysayan si Scarlet Snow Belo dahil siya ang kauna-unahan na toddler na cover girl ng 30th anniversary issue ng isang glossy lifestyle and luxury magazine.

Seen: Babalik sa Manchester, England si Ariana Grande dahil sa benefit concert para sa mga naging biktima ng pagsabog sa concert niya sa Manchester Arena noong May 22. Dalawampu’t dala­wa ang namatay at 116 ang bilang ng mga nasaktan sa trahedya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with