^

PSN Showbiz

Liza payag ding mag-Captain Barbell!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan na si Liza Sobe­rano na diumano ang napili at nakatakdang pumalit kay Angel Locsin upang gumanap na Darna sa pelikula.

Ayon sa talent manager ni Liza na si Ogie Diaz ay wala pa namang kumpirmasyon tungkol dito mula sa pamunuan ng Star Cinema.

“Sa totoo lang, isa lang ang sinasabi ko, hintayin nating mag-announce ang Star Cinema. Ayaw ko pong umepal, ayaw ko sa akin manggaling kung ano ang desisyon nila. Kung si Liza ba o ibang aktres ang gaganap na Darna,” makahulugang pahayag ni Ogie.

Tinanong na rin mismo ng talent manager ang Star Cinema upang matuldukan na ang mga haka-haka ng mga nasasabik malaman kung sino ang mapalad na gaganap bilang Darna.

“Tinanong ko nga Star Cinema, ‘Bakit di pa n’yo i-announce?’ Sabi nila, “Mag-a-announce kami, hintayin n’yo lang.’ Gustung-gusto ni Liza maging Darna. Totoo ‘yan. Siyempre sino ba naman ang ayaw maging Darna. Kahit nga Captain Barbell siguro mae-excite si Liza. Pero siyempre isa lang ang tinuturo diyan, kung si Liza nga ba ang gaganap na Darna. Kung sakaling si Liza ang kukuning Darna, siyempre ang kailangan na lang ay Ding,” pagbabahagi ni Ogie.

Winwyn nababaitan sa mga kakosa ni Mark Anthony

Hindi pa rin nakalalaya si Mark Anthony Fernandez mula nang maaresto ng mga pulis at makulong noong isang taon. Matatandaang nahulihan ng marijuana ang aktor sa kotse na siyang dahilan ng pagkakabilanggo nito. Maayos naman daw ang kalagayan ngayon ni Mark Anthony ayon sa kapatid sa ina na si Winwyn Marquez.

Anak ang dalaga ni Alma Moreno kay Joey Marquez habang si Mark Anthony naman ay anak ng aktres sa namayapang aktor na si Rudy Fernandez.

“Okay naman po siya, he looks really good. Nadalaw namin siya siguro mga four or five times na. Okay na siya, I’m happy that he’s clean. Pero siyempre, I still can’t talk about his case kasi it’s on­going,” nakangiting pahayag ni Winwyn. Umaasa ang dalaga na makalalaya ang kanyang kuya pagdating ng tamang panahon.

“We’re still hopeful na sana makalaya. Ang importante mapa-feel namin sa kanya na kahit nasa loob siya, we’re still here for him. Sana makalaya na. sana, sana… positive lang,” giit ni Winwyn.

Samantala, ramdam rin ng dalaga na nahihirapan ang kapatid sa kalagayan nito sa loob ng kulungan lalo na noong una.

“At first, sino ba naman ang hindi mahihirapan pero ngayon unti-unti na siyang nakikitang ngu­mingiti. Mababait din naman ‘yung mga kasamahan niya. Kasi ‘yung mentality ng tao kapag kulungan ka, masama ka na. Hindi naman, mababait naman sila,” pagtatapos ni Winwyn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with