^

PSN Showbiz

Mga pinoy na nagbantay sa Korean superstar, walang napala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nag-message sa akin nang lumabas ang mga picture ko na kuha ni Mama Salve sa presscon ng Samsung QLED TV  para sa Korean actor na si Kim Soo Hyun.

Ang sey nila, sana raw isinama ko sila dahil favorite actor nila si Kim Soo Hyun at kasama sa kanilang bucket list na makita siya nang personal.

Gustuhin ko man na pagbigyan ang request nila, hindi puwede dahil nagmagandang-loob lang si Isah Red na i-request ang pangalan namin ni Mama Salve sa mga imbitadong press sa PR ng event at higit sa lahat, late na ang kanilang mga emote. Malay ko ba na big fan sila ni Kim Soo Hyun?

Maaga kami na nagpunta sa Okada Hotel nina Jojo Gabinete at Mama Salve para hindi kami ma-late sa presscon. Alas-dos ng hapon ang imbitasyon pero 12 noon pa lang, rumarampa na kami sa sosyal na hotel.

Habang kumakain kami, nakatanggap ako ng phone call mula sa isang tauhan ni Boy Abunda. Nagpapatulong siya na makapasok sa presscon ng Samsung ang kanyang pamangkin na faney din ni Kim Soo Hyun na nasa katabing mesa lang namin at dumayo pa sa Okada Hotel para ma-sight ang Korean actor.

Wala naman akong power na isama ang pamangkin na faney dahil guest din ako. Sinabi ko na lang sa caller na hingin niya ang tulong ni Boy dahil close ito kay Gretchen Barretto na reyna ng Okada.

Hindi ako sure kung nakapasok sa Samsung presscon ang fan ni Kim Soo Hyun dahil mahigpit ang mga Korean bodyguard  ng aktor na hindi nalapitan at nakausap ng Philippine media.

I’m sure, type na type ni Kim Soo Hyun na makipagtsikahan portion pero hindi siya pinayagan ng kanyang mahihigpit na guwardya.

May Pinoy fans na aaligid-aligid sa Okada Hotel dahil hoping sila na makita kahit isang saglit si Kim Soo Hyun pero mga bigo na umuwi.

Nakita na lang ng invited press si Kim Soo Hyun nang tawagin siya sa stage ng presscon emcee na si Sam Oh.

Pagkatapos ng maigsi na question and answer at photo op sa Samsung executives, inilabas agad si Kim Soo Hyun ng Korean security niya.

Walang nakakaalam kung saan dinala si Kim Soo Hyun. May mga nagsabi na bumalik na siya sa hotel room niya sa Okada pero ang pralala, naka-check in si Kim Soo Hyun sa ibang hotel.

Siyempre, hindi naniniwala ang mga faney na nag-abang. Ang feeling nila, sinabi na lang na tumutuloy sa ibang hotel si Kim Soo Hyun para hindi na sila tumambay at mag-wait fore­ver sa Korean actor na kinababaliwan nila.

Noong Biyernes ko lang din nalaman na faney na faney din ni Kim Soo Hyun si Djanin Cruz, ang only daughter nina Tirso Cruz III at Lyn Cruz.

Mula nang dumating sa Pilipinas si Kim Soo Hyun noong Miyerkules, hinahanap na ni Djanin ang kinaroroonan niya.

Hinayang na hinayang si Djanin nang malaman nito na special guest si Kim Soo Hyun sa launch ng QLED television ng Samsung dahil nakagawa sana sila ng nanay niya ng paraan na makita nang personal ang star ng My Love from the Star.

Inaanak ko sa binyag si Djanin kaya naloka siya nang malaman na tagahanga rin ng Korean actor ang kanyang ninang na tinalbugan ang pagiging faney niya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with