^

PSN Showbiz

Gina Lopez host ng bagong environmental show

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gina Lopez host ng bagong environmental show

Gina

Pangungunahan ng dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez ang pinakabagong programa ng ABS-CBN na G Diaries simula sa Linggo (June 4). Yup, hindi man siya nakalusot sa Commission on Appointments, meron naman siyang venue para ipamalas ang ganda ng Pilipinas at itaguyod ang eco-tourism.

Ipakikita ni Ms. Lopez kung gaano kaganda at kayaman ang kalikasan sa kanyang pinakaorihinal, totoo, mapanghimok, at nakakatuwang paraan at ipapaalam din ang halaga ng pagsagip at pagprotekta sa kalikasan habang pinangangalagaan ang komunidad.

“Bukod sa pagpapakita ng mga magagandang tana­win at pasyalan sa Pilipinas, layunin din ng G Diaries na himukin ang mga taong makisali at maging bahagi ng malaking kilusan upang pagyamanin ang kalikasan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon,” sabi niya.

Mayroong 13 episodes ang G Diaries sa ilalim ng direksyon ng sikat na Hollywood director na si Wil Harper. Tampok din sa palabas na ito sina Eddie Garcia, Sharon Cuneta, at Charo Santos.

Mapapanood ang unang episode ng G Diaries sa susunod na Linggo (June 4) bago mag-ASAP at ang mga susunod na episode nito tuwing Sabado, 8 AM sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa cable TV via Lifestyle Network at ANC.

Maraming nalungkot nang hindi pinaboran ng CA ang appointment ni Ms. Lopez sa DENR dahil nakita nila ang passion nito sa pag-aalaga ng kalikasan.

Kris

Nagpalakas daw ‘I’M BACK’ – Kris

Matapos mawala ng ilang araw sa social media, ‘I’m back’ ang mensahe ni Kris Aquino sa kanyang Instagram followers na 3 million.

“ I didn’t want to just have a brave front- I needed time to be strong physically, intellectually, and most of all emotionally. I needed to detach, get healthy, and be BRAVE. I missed you & I missed this version of me... So HELLO AGAIN. I’m back.,” ang buong mensahe niya nung isang araw sa videogram na wala siyang binanggit kung para sa anong project.

Pero ang isang nagpa-worry sa followers niya ay ang pagi­ging skinny na ng TV host lalo na nung suot niya ang white dress.

Wala naman silang alam na nagwo-work out si Kris kaya sila nag-aalala.

Hindi rin daw nila makita ang dating glow ni Kris noong may regular show siya.

Anyway, wala pa ring binabalita si Kris kung ano nang nangyayari sa Hollywood film na minsan na niyang nabanggit. Hanggang ngayon din ay wala pang maasahang TV show niya dahil nga wala pa siyang kinaanibang network.

                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with