^

PSN Showbiz

Follow ni Heart hahamunin sina Max at Pancho, Rodjun at Dianne

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (May 28) sa Follow Your Heart, dadalhin ni Heart Evangelista-Escudero ang real life couples na sina Max Collins at Pancho Magno; at Dianne Medina at Rodjun Cruz sa Lipa, Batangas upang humarap ang mga ito sa ultimate test ng relationship goals sa isang dairy farm.

Bawat magkapareha, sasabak sa trabaho at gawaing bahay sa dalawang pamilya ng masisipag na dairy farm wor­kers.

Aminadong nagsimula lahat sa crush ang pag-iibigan nina Rodjun at Dianne. Sa 10 taon nilang relasyon, ngayon pa lang daw sila makararanas ng kakaibang bonding tulad nito. Sa tuksuhan naman nabuo ang love story nina Max at Pancho. Noong una raw ay hindi pa sila nagpapansinan pero hindi nagtagal ay lumalim na ang kanilang friendship hanggang sa mauwi na rin ito sa pag-iibigan.

Kakayanin ba nila ang pag-aalaga ng bata at pagpapastol ng mga baka? Magawa kaya nila ng tama ang paggagatas at pagsasagawa ng artificial insemination sa mga hayop na kanilang binabantayan?

Ang host namang si Heart nakatoka sa mga baka. Kayanin kaya niyang alagaan at pakainin ang mga ito? Bakit nga kaya siya muntik mapaluha sa isa sa mga task niya sa farm?

Huwag palalampasin ang ultimate test ng relationship goals, Follow your Heart tuwing Linggo, pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with