^

PSN Showbiz

Hindi suplado Kim Soo Hyun ngumiti sa ‘I love you’!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahihiyan ang ginawa ko kahapon sa presscon launching ng Samsung QLED TV para sa kanilang bagong endorser, ang Korean actor na si Kim Soo Hyun dahil hindi ko napigilan na sumigaw ng “I love you!”

In all fairness, nakuha ko ang atensyon ni Kim Soo Hyun dahil tumingin siya sa direksyon ko at nag-smile na ikinaloka ko nang todo.

Hindi talaga ako nagpaawat dahil pinanindigan ko ang pagiging fangirl. Ipinakita ko kay Kim Soo Hyun ang aking finger heart gesture na nagpa-smile uli sa kanya.

Maraming salamat kay Isah Red, kay Therese ng EON Public Relations at siyempre, sa Samsung dahil sa pag-iimbita sa akin.

Ang Okada Manila Hotel ang venue ng press launch ng Samsung para sa kanilang bagong produkto, ang QLED Television.

Kahit malayo ang venue, talagang nagpunta ako sa Okada dahil sa kagustuhan ko na ma-sight nang personal si Kim Soo Hyun.

Dinedma ko ang mahabang oras na paghihintay pero hindi naman ako nainip dahil sa pakikipagkuwentuhan ko sa mga kasama ko at bilang sosyal na hotel ang Okada Manila.

Guwapo sa personal si Kim Soo Hyun at bakas sa face niya na likas na mabait siya.

Sayang nga lang dahil bawal ang mga photo op at interbyu kay Kim Soo Hyun.

Pagkatapos ipakilala ang QLED Television, nag-babu agad si Kim Soo Hyun kaya napa-aahh ang mga reporter na hoping na matitigan siya nang matagal.

Effective endorser si Kim Soo Hyun dahil binabalak ko na palitan ng mga Samsung television ang mga TV ko sa bahay, pati na ang mga cellphone ko. Ganyan katindi ang epekto sa akin ng mga Korean actor at Koreanovela. Gusto ko nang isipin na Koreana ako noong past life ko at may past kami nina Kim Soo Hyun at Song Joong-ki.

Song Joong-ki may plano rin bumisita sa bansa!

Naging fan ako ni Kim Soo Hyun dahil sinubaybayan ko noon sa GMA 7 ang kanyang Koreanovela na My Love from The Star.

Nang matapos ipalabas sa GMA 7 ang isinalin sa Tagalog na teleserye ni Kim Soo Hyun, nabaling naman ang atensyon ko kay Song Joong-ki, ang bida ng Descendants of the Sun.

Dahil nakita ko na si Kim Soo Hyun sa personal, si Song Joong-ki ang pangarap ko na masilayan at malapit na itong mangyari.

May nakapagsabi sa akin na dadalaw si Song Joong-ki sa Pilipinas sa November 2017 para i-promote ang bagong food endorsement niya.

Ngayon pa lang, pinaghahandaan ko na ang pagbisita ni Song Joong-ki sa November at sana, huwag magkaroon ng pagbabago sa schedule niya.

Kung nagawa ko na mag-I love you kay Kim Soo Hyun, baka higit pa ang gawin ko kapag nakita ko sa personal si Song Joong-ki.

Sa true lang, naloloka rin ako sa inaasal ko dahil kung kailan ako tumuntong sa edad na 70, saka ako naging fan ng mga Koreanovela at nabaliw sa mga Korean actor na never ko ginawa sa mga local actor natin ‘no!

Katulad ngayon, wala akong plano na lumabas ng bahay dahil nakakundisyon na ang isip ko na panonoorin ko uli ang DVD copy ng My Love from the Star.

Pinagpipilian ko na lang kung alin ang panonoorin ko, ang version na naka-dub sa Tagalog o ang original version na may English subtitle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with