^

PSN Showbiz

Serye ni Ritz Azul, mahigit isang taon nang naka-freezer!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Serye ni Ritz Azul, mahigit isang taon nang naka-freezer!

Paulo Avelino at Ritz Azul

MANILA, Philippines - More than a year na palang tengga ang seryeng A Promise of Forever na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Ritz Azul, and Paulo Avelino.

November last year pa ay napabalita na itong eere ng summer of 2017, pero hanggang ngayon ay wala pa rin daw definite airing date at may kanya-kanya nang bagong show sina Paulo at Ejay.

Si Ejay ay nasa Ang Probinsyano at si Paulo ay makakasama raw  ni Lorna Tolentino sa comeback project ng actress sa ABS-CBN. Dahil din sa pagkabinbin ng serye na nag-shooting pa sa ibang bansa, nabantilawan na rin ang career ni Ritz na lumipat ng ABS-CBN from TV5.

Pero ang pinaka-kawawa raw dito ay ang mga kasamang artista like Tonton Gutierrez na hindi makatanggap ng show sa GMA 7 dahil nga hindi alam kung kailan eere ang A Promise of Forever. So nganga raw ang actor.

Kim sa charity

Kim kinarir na ang charity!

In all fairness, consistent ang kawanggawa ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Two days ago ay nag-charity na naman ang aktres sa Anda at St. Nicholas Catholic School sa Pangasinan.

Nagsilbi itong birthday blowout ng bidang aktres ng Ikaw Lamang ang Iibigin.

Last April nag-celebrate ng 27th birthday si Kim.

“Gift Of Gratitude!!! thank you!!! from taping in batangas went straight to pangasinan!?been very busy lately and I promised to myself to do my birthday charity before summer ends.. so here I am..,” ang sabi ni Kim sa kanyang IG account.

Balitang pinasaya ni Kim ang 300 kids and 260 families sa naturang lugar.

Tuwing Pasko at birthday ay naging habit na ni Kim ang mag-charity na sinimulan niya years ago.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with