^

PSN Showbiz

Semenaristang nag-asawa, dinapuan ng matinding sakit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, tunghayan sa Magpakailanman ang kuwento ng pakikipagsalaparan ni Noriel Bañes laban sa kanyang sakit sa episode na pinamagatang The Healing Touch of Love: The Noriel Bañes Story.

Itinatampok sina Martin Del Rosario bilang Noriel at Ryza Cenon bilang Jorina. Makakasama rin sina Rey Abellana, Renz Fernandez,Kevin Santos, James Teng, Vaness del Moral, Lharby Policarpio, at Princess Guevarra.

Bunso sa sampung magkakapatid si Noriel Bañes. At sa edad na 34 ay tinamaan na siya ng sakit na sinasabing taglay ng kanilang pamilya mula pa sa kanunu-nunuan nila.

Dystonia ang sakit ng mga lalaki sa kanilang pamilya, isang klase ng cerebral muscle dystrophy na kung saan tumitigas at namimilipit ang mga muscle ng buong katawan. Nagpapakita ang sintomas nito sa mga lalaking may taglay nito kapag sila ay nasa mahigit 30 anyos. Sa kaso ni Noriel, sa edad na 34 siya tinamaan ng sakit. At sa kasalukuyan ay apektado na ang kanyang pag­lalakad, pagsasalita, galaw ng leeg at ulo at maging ang kanyang sexlife.

Dating semenarista si Noriel, subalit lumabas siya sa seminaryo nang ma-meet niyang muli ang high school crush na si Jorina. Agad silang nagkamabutihan at nag-decide na magpakasal kahit pa malapit na siyang maging pari. Nagtrabaho bilang gym instructor si Noriel dahil high school pa lang ay health buff na siya.

Natakot si Noriel nang ma-diagnose siya na may Dystonia ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Ang mas naapektuhan ay si Jorina dahil kakapanganak lang nito sa kanilang ikalawang anak. Alam kasi ni Jorina na debilitating ang sakit ng asawa. 

Apektado ang sexlife nilang mag asawa dahil hindi na siya makagalaw ng maayos at sinabi rin niya na siya na mismo ang nahihiya sa asawa dahil sa kanyang kalagayan.

Nang malaman ito ni Jorina, inintindi niya ang asawa at ipinaliwanag dito na hindi magiging hadlang ang sakit ni Noriel sa kanilang pagsasama. Hindi rin umano magbabago ang pagmamahal niya kay Noriel sa kabila ng sakit nito.

Walang gamot ang kanyang sakit. Ang tanging magagawa lang ay uminom siya ng muscle relaxant para kahit paano ay mag-normalize ang kanyang kalagayan.

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with