^

PSN Showbiz

Boobs ni Sofia laging naka-display!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung ang naturingang mga seksi na sina Bianca King at Beauty Gonzales ay hindi nagpapakita ng kaseksihan sa teleserye nilang Pusong Ligaw, ang mas nakababata na si Sofia Andres ay nagpapakita na ng cleavage.

Boobsie pala ang young actress na ka-loveteam ni Diego Loyzaga na inilulunsad sa programa. Nakasuot ito palagi ng sando na tinatakpan lamang niya ng mga outer blouses. Isang wannabe fashion designer ang role ng kabataang aktres na pinahihirapan ng anak ng may-ari ng fashion house na pinagtatrabahuhan niya. At hindi lamang ang mayamang binata na ginagampanan ni Enzo Pineda ang nagpapahirap sa kanya kundi maging ang kasambahay niya sa isang bahay na nagpapaupa ng mga kuwarto na ginagampanan naman ni Diego.

Mabuti na nga lamang at mahusay umarte ni Sofia kundi baka sabihin pang ginagamit niya ang kanyang kaseksihan para lamang mapansin.

Sharon pahinga na sa mga emote 

Nakapagsimula na pala ng shooting para sa kanyang indie movie na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha si Sharon Cuneta. Kaya naman pala tumigil na ang mga panaghoy niya sa social media. ‘Yun lang naman suguro ang dahilan ng kanyang mga hugot. Hindi siya abala dahil naka-advance taping na siya ng The Voice Teens.

Bunsod din lang marahil ang depression niya ng ginawang pagtanggi ni Gabby Concepcion na gawin ang reunion movie nila kung kaya siya lumayas ng bansa. All is well that ends well, nagtatrabaho nang muli ang Megastar at balik na siya sa pagiging masayahin.

Dapat lamang ay makapag-produce siya ng winner para sa Season 2 ng The Voice Teens para sa susunod ay marami nang pumili sa kanya bilang mentor.

Cristine gagawan ng negosyo ang asawa’t anak

Maraming artista ang nahihilig sa pagnenegosyo ng damit. Si Cristine Reyes ay may online store na kung saan ay makakabili ng mga damit pambabae. Later on ay maglulunsad din siya ng Ali at Amara clothing online na obvious na pang-lalaki at para sa mga bata. 

Ang Kapuso namang si Sheena Halili ay naglunsad din ng kanyang sariling swimwear line. Mayron itong mga bikini at one-piece swimsuits na siya mismo ang nagsampol at nagsuot. Nakita tuloy ang pinakatatago-tago niyang pangangatawan na hindi malanan ng lahat kung bakit hindi niya idini-display sa kanyang mga pelikula at palabas sa TV.

Angel tuloy sa pagpapaiyak

Hindi karugtong ng episode last week ng Maalaala Mo Kaya ang kuwento na pinagbidahan ni Dimples Romana na ang isang anak ay kinidnap ng isang Muslim na babae na ginagampanan ni Angel Locsin. Ang episode ay isang bersyon ng sinasabing kidnapan na itinurong may gawa ay ang character ni Angel.

Kinidnap ba niya o hindi ang anak ni Dimples na nagresulta sa pagkakakulong niya ng maraming taon? Hindi lamang si Angel ang may mahalagang role sa MMK kundi maging si Jane Oineza na gumaganap ng role ng kapatid ni Angel, ang kapatid na mabait at nadamay lamang at nakulong kasama niya dahil sa kalokohan nito.

Ang episode ay nasa direksyon ni Dado Lumibao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with