^

PSN Showbiz

Kuring na TV personality tumatak na sa mga Pinoy sa ibang bansa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang kababayan nating matagal nang nagtatrabaho sa isang bansa na malapit lang sa Pilipinas ang nagbalikbayan. Natural, nakipagkita ang mga ito sa kanilang mga dating kaklase at malalapit na kaibigan, isang buong gabi ng kuwentuhan ang naganap.

Maraming kuwento tungkol sa mga kilalang personalidad dito sa atin ang bumida sa kanilang mga tsikahan, pero ang pinaka-starring ay ang isang kilalang-kilalang female personality sa kanyang larangan, napakabarat-kuripot daw ng nasabing personalidad.

Sabi ng isang nandu’n, “Madalas siyang magpunta sa ____(ang bansang pinagtatrabahuhan nilang magkakaibigan), lalo na kapag malapit na ang Pasko, siguradong bibiyahe siya para mag-shopping.

“Hindi siya tumitira sa mamahaling hotel, sa maliliit lang, dahil ang katwiran niya, e, tutulugan lang naman niya at paliliguan ang hotel. Alam namin ‘yun dahil ang mga boys namin ang nagdedeliber ng mga pinamimili niya.

“Mahusay siyang humawak ng pera. Napakabarat niya. Saka parang alam niya ang takbo ng presyuhan, parang nag-ikot na muna siya bago bumili sa isang tindahan. Magaling siyang tumawad.

“Kaya lang, kinaiinisan siya, kasi nga, napakalayo naman ng tawad niya sa turing ng tindera. Kunwari, kunwari lang ito, ha? Piso ang sinabi ng tindera, ang tawad niya, beinte! E, saan naman siya makakakita ng produktong ganu’n sobrang kamura?

“Nakakaawa nga siya dahil ikot siya nang ikot, pagod na pagod siya sa kahahanap ng mga pangregalo niya na mura lang! E, magkakapareho lang naman ang presyo sa place na ‘yun, may pagkakaisa ang mga shop owners, kaya mapapagod talaga siya sa kahahanap sa presyong gusto niya!

“Ang ipinagtataka lang namin, e, ang yaman-yaman naman niya, ‘di ba? Napakayaman pa ng napangasawa niya, pero bakit ganu’n siya kakuripot? Ganu’n na ba talaga siya kahit nu’n pa?

“Para na nga siyang nagtitinda rito kung mamili. Marami talaga! Pero bago siya bumili, e, talagang mabubuwisit ka muna sa katatawad niya.

“Bagay na bagay sa kanya ang name niya, barat na siya, e, kuring pa! Inaano ba niya ang pera niya! Nakakaloka talaga siya, kilalang-kilala na siya ng mga Pinoy sa bansang ‘yun!” tawa pa nang tawang kuwento ng aming source.

Ubos!

Pamilya ni Aljur takot kay Kylie!

Maganda lang magdala ng pagdadalantao si Kylie Padilla pero siyempre’y naaapektuhan din siya sa kawalan ng suporta sa kanila ni Aljur Abrenica ng kanyang amang si Robin Padilla.

Hindi dumarating ang action star sa kanilang mga imbitasyon, pero hindi naman nito pinipigilan si Mariel Rodriguez sa pagsuporta sa kanya, parehas pa rin si Binoe.

At ang mas halatado ay ang hindi man lang pagdalo sa kanyang baby shower ng pamilya ni Aljur. Kung may representative si Robin kay Mariel, ang pamilya naman ni Aljur ay wala, kahit isa.

Hindi pogi point para kay Aljur ang naunang mga kuwento na mula nang magsama na sila ni Kylie sa binili nitong bahay kay Kaye Dacer ay pinaalis ng aktor ang kanyang pamilya sa bahay.

Sa kulturang Pinoy ay hindi maganda sa panlasa ang paghihiwa-hiwalay ng magkakapamilya sa hindi maayos na paraan at dahilan. Mas pinaboran pa ni Aljur na patirahin sa kanyang bahay ang mga kaibigan nila ni Kylie.

Sa pagkakaalam namin ay hindi lang naman perang naipon ni Aljur ang ipinambili nito ng bahay, may malaking halaga ring partisipasyon du’n ang kanyang mga magulang, mukhang pati si Vin ay meron din.

Kung ganu’n, ang bahay na binili ni Aljur ay para sa buong pamilya Abrenica. Pero ang nangyari nga ay magkasama ngayon sa isang apartment ang kanyang mommy at nakababatang kapatid na babae.

Si Vin naman ay may nakuhang condo unit, ang kanyang ama ay mas madalas na nasa Batangas dahil nandu’n ang negosyo nito, sila ni Kylie ang umokupa sa bahay.

Hindi kumpleto ang kaligayahan ng mga nagmamahalan kapag may mga kapamilyang hindi sang-ayon sa kanilang pagsasama. Makagagaan para sa sitwasyon ni Kylie kung matitibag na ang pader sa pagitan nila ng pamilya ni Aljur.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with