^

PSN Showbiz

Korean actor na si kim soo hyun hindi mahanap ng fans!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ginamit ko ang powers ko kaya knows ko na ang hotel na kinaroroonan ng Korean actor na si Kim Soo Hyun.

Gusto ko man na i-share ang impormasyon, hindi ko magagawa dahil baka ito pa ang maging dahilan para tumambay sa hotel ang Pinoy fans ni Kim Soo Hyun, kahit mahigpit ang seguridad sa kanya.

Kung malalaman ng fans ang hotel na tinutuluyan ni Kim Soo Hyun, baka maulit ang nangyari kay Park Bo Gum, ang another popular Korean actor na nagbakasyon sa Cebu noong October 2016 pero mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanyang presence kaya nagulo ang buhay niya.

Sikat na sikat sa Pilipinas si Park Bo Gum dahil sa kanyang Koreanovela na Love in the Moonlight.

Nagbakasyon sa Cebu si Park Bo Gum at ang ibang mga artista ng Love in the Moonlight para i-celebrate ang pagwawakas ng kanilang teleserye sa South Korea.

Natunugan ng Pinoy fans ang pagdating ni Park Bo Gum kaya nag-abang sila sa airport at dito nila dinumog ang pobreng Korean actor na hindi inaasahan ang eksena na madadatnan.

Para hindi siya madumog nang todo, idinaan si Park Bo Gum ng airport personnel sa departure entrance pero nasundan pa rin sila ng avid fans niya.

Magaganap ngayong tanghali ang event na dadaluhan ni Kim Soo Hyun.

Knows ko na rin ang venue ng event at hopefully, makakapunta ako para ma-meet ko in person ang phenomenal star ng My Love from the Star.

Happy na ako na magkaroon ng photo op, kasama si Kim Soon Hyun na karibal sa kasikatan ng another favorite Korean actor ko na si Song Joong-ki.

Wish ko talaga na may mag-produce ng concert nina Kim Soon Hyun at Song Joong-ki dahil talagang manonood ako at hindi ako magdadalawang-isip na kanselahin ang mga appointment ko.

Sigurado naman na panonoorin ng Pinoy fans ang concert ng dalawa kaya sana, may makaisip na ipag-produce sila ng concert sa Pilipinas.

Mga reject sa Binibini may tsansa sa Miss Manila

Malapit nang matapos ang buwan ng Mayo kaya busy na naman ang City of Manila at ang MARE Foundation nina Dra. Loi at Jackie Ejercito sa Miss Manila 2017.

Ni-revive ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang Miss Manila mula nang maupo siya sa puwesto noong 2013.

At dahil malapit na ang June, tumatanggap na ng applicants ang organizers ng  Miss Manila 2017.

Puwedeng i-download ng libre ang application form ng Miss Manila 2017 sa website nito, ang www.missmanila.ph o personal na kunin ang forms sa Tourism Office ng Manila City Hall.

Sa June 2 ang submission ng application forms kay Liz Villasenor ng Tourism Office ng Manila City Hall.

Welcome na sumali sa Miss Manila 2017 ang mga hindi nag-win sa Bb. Pilipinas at ibang mga beauty pageant. Siguraduhin n’yo lang na residente kayo ng Maynila, single, may karapatan na maging beauty queen at pasok sa age requirement.

Bawal sumali ang transgender women dahil mga tunay na babae ang kailangan. Minsan nang nag-attempt na mag-join sa Miss Manila ang isang transgender woman pero nalaman ng screening committee ang sikreto niya.

In all fairness sa transgender woman, nanahimik ito at hindi na nag-ingay nang ma-disqualify sa Miss Manila dahil marami rin ang hindi nakakaalam na dating boy siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with