^

PSN Showbiz

Vina ayaw makipag-date sa mas bata kay Shaina

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magkakaroon ng fund-raising project ang Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) sa ilalim ng pamumuno ng bagong presidente ng naturang guild na si Imelda Papin. Isang concert ang sasalihan ng mga miyembro ng KAPPT para maka-raise raw ng funds dahil ang balak ni Imelda ay magkaroon ng Philhealth ang lahat na miyembro ng grupo.

Gaganapin ang concert sa SM Skydome sa SM North EDSA sa June 3 at ilan daw sa nangakong darating para magbigay kasiyahan ay sina Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Victor Wood, at nag-okay na rin daw sa kanila si Toni Gonzaga.

Maingat lang daw ngayon sina Imelda at ang buong Board of Directors ng KAPPT sa security dahil sa sunud-sunod na karahasang nangyayari sa ating mundo.

Pagkatapos bombahin ang concert ni Ariana Grande sa UK, at ang kasalukuyang gulo sa Marawi City, magiging maingat daw sila sa gaganaping concert para mabigyan ng proteksyon ang mga manonood at mga artistang dadalo.

“Meron na kaming naka-assign sa security headed by Board of Directors Val Iglesia and Boy Roque, plus the support of our police, will be there.

“We tried to contact Gen. Bato to help us to secure the place, at ang SM naman po ay bibigyan tayo ng sapat na security,” pahayag ni Imelda Papin.

PAK: Nalulungkot si Jed Madela dahil naapektuhan daw ang friendship nila ni Darren Espanto nang intrigahin sila matapos nitong suportahan ang show ng bagets na singer.

Magmula nang paglaruan daw sila ng netizens, hindi na sila naging okay dahil may ilang factor na sa kanilang dalawa.

Pati nga ang batian nila sa IG live ng figure skater na si Michael Martinez ay binigyan din ng malisya, at napag-isipan na niyang magdemanda, pero hindi na raw niya itutuloy.

Ani Jed, “It was just more of making aware that they can be in trouble when they post things carelessly.

“Ako kasi I don’t care. I don’t mind, let them talk. But there are other artists…hindi lang artists. There are other people who were really get affected. They can’t do anything, but ignore and avoid.”

BOOM: Pagkatapos makipag-break ni Vina Morales sa kanyang French boyfriend na si Marc Lambert, nagdeklara na itong open na raw siyang makipag-date pero hindi naman daw siya nagmamadaling magka-boyfriend agad.

Naloloka nga raw siya dahil may mga bagets na nag-i-invite sa kanyang lumabas.

Okay lang naman daw makipag-boyfriend sa lalaking mas younger sa kanya pero huwag naman mas bata pa kay Shaina Magdayao.

Tingin naman niya ay may ibibigay ang Diyos sa kanya na nararapat talaga sa kanya kaya maghihintay lang siya.

“I always believe na may forever naman. Meron talaga, nagka-delay delay lang ng konti,” napapangiti niyang pahayag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with