^

PSN Showbiz

Gil Cuerva pasabog ang pabi-briefs sa shower!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa presscon ng My Love From The Star, hindi na tinanong si Gil Cuerva kung bakit hindi siya nagpagupit ng mahaba niyang hair. Tanggap ng press na sa Pinoy version ng Korean series ay mahaba ang buhok ni Matteo Do.

Maganda ang interview ng mga reporter kay Gil at na-impress sila sa ginawa nitong paglapit sa mga reporter kung saan nakipagkilala at nakipag-shake hands. Sa interview, lahat ng tanong sa kanya ay kanyang sinagot, maliban sa kung ano’ng gamit niyang shampoo.

Excited at kinakabahan si Gil sa pilot airing ng My Love From The Star sa Monday, after Mulawin vs. Ravena dahil alam na huhusgahan ang acting niya at ikukumpara siya sa Korean actor na gumanap na Matteo Do.

May pasabog si Gil, ang shower scene na briefs lang ang suot at ang kissing scene nila ni Jennylyn Mercado na umabot ng nine takes. Natawa ito sa biro ng mga reporter na nakarami siya ng halik sa aktres.

Glaiza may kinaadikan na rin sa Korea!

Crush ni Glaiza de Castro si Gil Cuerva, ang leading man ni Jennylyn Mercado sa My Love From The Star. Cute raw si Gil na very Korean ang dating at isa siya sa kinikilig sa tambalan nila ni Jennylyn ‘pag napapanood ang teaser ng rom-com series na airing na sa May 29.

Nakausap namin si Glaiza sa interview sa kanila ni Dominic Roco para sa pelikula nilang Sleepless na showing sa May 26 sa eight SM cinemas.

Napili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at SM Cinemas ang Sleepless sa Cine Lokal series at mapapanood din sa SM North EDSA, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Southmall, SM City Fairview, SM City Bacoor, SM Cebu, at SM Iloilo.

Ang Sleepless ang nagpapanalong Best Actor kay Dominic sa 2015 QCinema International Film Festival. Official Selection ito sa Osaka Asian Film Festival 2016 at NETPAC Jury Prize for Best Picture 2015 QCinema International Film Festival.

Anyway, wala pang project si Glaiza after Encantadia.

Samantala, tuloy ang pagpunta ni Glaiza sa Korea sa first week ng June para manood ng concert ng favorite niyang K-pop artist na si G-Dragon ng Bingbang. Sa June 10 ang concert sa Seoul at ayaw itong palampasin ni Glaiza.

Maine hahataw sa concert ni Alden

Sa Sabado na ang Upsurge concert ni Alden Richards kaya panay na ang rehearsal nito. Bukod kina Raymund Marasigan at Migo Adecer, guest din ni Alden sa nasabing concert si Janno Gibbs. Sa dance segment, guests niya sina Maine Mendoza, Rodjun Cruz, Kristoffer Martin, at Mark Herras at sa comedy ay si Jerald Napoles.

Si GB Sampedro ang director ng Upsurge at musical director si Marc Lopez. Produced ng GMA Network at GMA Records ang concert na gagawin sa Kia Theater.

Bukas, May 26, ang ending ng Destined To Be Yours.

Imelda sunud-sunod ang proyekto sa KAPPT

Masigla na uli ang Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) sa sunud-sunod na projects ng President na si Imelda Papin.

Ngayong araw nga ay may painting session for KAPPT na gagawin sa Icon Hotel sa North EDSA. Kabilang sa painters sina Jonas Salvosa, Mardy Aguilar, Sen Lacson at ang head nilang si Ester Garcia.

Sa June 3, may pa-concert ang KAPPT na tinawag na A Night with the Stars sa SM City Skydome, 7 p.m., Wala pang line up ng performers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with