^

PSN Showbiz

Daniel ayaw magmadaling palitan si Erich

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa ngayon ay wala pang bagong kasintahan si Daniel Matsunaga. Matatandaang nagkahiwalay sina Daniel at Erich Gonzales bilang magkasintahan kamakailan. Naka-move on na raw ang aktor mula sa naging relasyon nila ni Erich.

Ang tanging nagpapasaya sa aktor ngayon ay ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. “I am enjoying the family. I am enjoying our friends right now. Focus ako sa work, so ‘yung puso ko I leave it to God’s hands. I’ve moved on already, right now work is my priority, family is my priority,” bungad ni Daniel.

Nai-enjoy ng aktor ang pagiging single ngayon kaya hindi rin nagmamadali na magkaroon ng bagong kasintahan. “There’s always the right time, the right person and ‘yun nga, kailangan ko maghintay lang. I am not looking for someone right now so hintay-hintay,” giit ng model-actor.

Samantala, masayang-masaya si Daniel dahil naging bahagi siya ng ika-dalawampu’t limang anibersaryo ng Star Magic na ginanap noong Linggo sa Araneta Coliseum.

“Second year ko with Star Magic. It has been an awesome experience. They have been treating me as a family and I’m also enjoying work with them, and amazing ‘yung experience,” nakangiting pahayag ni Daniel.

KZ apat na taon naghintay sa bagong album

Apat na taon na ang nakalilipas nang unang nag-release ng album si KZ Tandingan. Ngayon lamang muling nakagawa ng album ang singer na may titulong Soul Supremacy.

“Kung ano ‘yung nakita n’yo sa akin sa audition noon sa X Factor mas makikita n’yo dito, nagra-rap ako and singing ballads. Sa first album ang pinarinig ko sa inyo ay ballad side ko, ‘yung roots ko sa Pinoy soul. Sa album na ito mas nagra-rap na ako. Very technical pa din ‘yung music pero mas light na. Hindi na kasing lungkot noong una kong album. Mas hands-on ako sa album na ito. Super naging honest ako with my opinions (sa pagbuo) nito. Mas ako ang album na ito,” pagbabahagi ni KZ.

Masayang-masaya ang dalaga dahil hindi lamang sa Pilipinas mabibili ang bagong album ng singer. Ilulunsad din ang nasabing album sa The Academy of Rock sa Singapore. “To be able to be given a chance to release an album dito sa Pilipinas ay napakalaking blessing na ‘yon dahil hindi lahat ng artist nabibigyan ng ganoong pagkakataon. Pero ‘yung makapag-launch ka sa ibang bansa that’s another story, ibang milestone ‘yon sa career mo,” pagtatapos ni KZ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with