^

PSN Showbiz

Tatay ng sikat na young actor tuloy ang pakikialam, career ng anak nanganganib

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpipistahan lagi ngayon ng mga umpukang-showbiz ang pagiging palaeksena ng ama ng isang sikat na young actor. May mga palutang pang kuwento na dahil sa pagiging maepal ng kanyang ama ay maraming oportunidad ang lumilipad sa sikat na young male personality.

Kailan lang ay umikot ang balita na pati ang mga namamahala sa career ng young actor ay hindi na nagkakagusto sa panghihimasok ng kanyang ama.

Reaksiyon ng isang source, “Nasaan ba siya nu’ng mga panahong hirap na hirap ang manager ni ____(pangalan ng guwapo at sikat na bagets) sa pagbebenta sa kanya?

“Nandito ba siya? Kailan na lang ba naman sila nag-surface, ‘di ba, nu’ng nakikilala na ang bagets? Masuwerte nga siya dahil kinagat ng public ang loveteam nila ng isang young actress.

“Biglang laki ng name ng bagets, umaagos ang dating ng mga opportunities sa kanya, nagkatulungan sila ng ka-loveteam niya. Ang ganda-ganda na sana ng takbo ng lahat, pero heto ang stage father niya, ramdam na ramdam ang pag-eksena!” sabi ng aming impormante.

Totoo nga kaya na ang pakikialam ng tatay ng bagets ang dahilan kung bakit mukhang pumreno ang mga nag-aalaga sa kanyang career na bigyan siya ng magagandang proyekto? Damay tuloy pati ang ka-loveteam niya.

“Maganda ‘yun, dapat lang namang ipa-feel ng management agency ng bagets na kung wala sila, e, wala ring mangyayari sa career ng batang ‘yun!

“Baka kasi buung-buo na ang ilusyon ng father niya na kaya na nilang patakbuhin nang sila-sila lang ang career ng bagets at hindi na nila kailangan ang tulong ng mga talagang nagtrabaho para makilala siya?

“Baka gusto na ng father niya na umaktong manager ng anak niya? Alam kaya niya na super-tindi ang pinagdaanan ng grupong ‘yun para lang matupad ang pangarap ng bagets na sumikat?

“Naku, ngayon na lang naman dumating ang tatay niya, ‘no! Hindi siya part ng pinagdaanang effort ng management agency ng anak niya! Ngayon tuloy, e, nawawala sa bagets ang mga raket na dapat, e, pagkakitaan niya nang malaki!

“Kung may mga Dilawan sa politics, e, may mga Pulahan din sa showbiz. Kung may yellow, may red din, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pinipigilan lang ni Luis, Jessy gusto nang sukuan ang showbiz

Dahil sa walang katapusang mga upak sa kanya sa social media ay pumasok pala sa isip ni Jessy Mendiola na mag-quit na sa pag-aartista. Marami na raw kasing nasasaktan nang dahil sa kanya.

Ibinigay niyang halimbawa si Luis Manzano, ang kanyang boyfriend, na sobra-sobra nang pinipitik sa social media nang dahil sa kanya. Awang-awa na raw siya sa actor-TV host na kaya lang naman nabibira ngayon, feeling ni Jessy, ay dahil sa pag-ayaw sa kanya ng mga tagasuporta ni Luis.

Pero pinigilan daw siya ng tagapamuno ng Star Magic na si Direk Johnny Manahan, sinabi raw nito sa kanya na magdagdag lang siya ng pasensiya, pero hindi niya dapat isipin ang pagku-quit.

Kahit si Luis ay ganu’n din daw ang payo sa kanya, stay, never quit. Marami pa raw siyang puwedeng patunayan sa pag-aartista kaya bakit kailangan niyang sumuko?

Maiintindihan din ang pag-iisip ng dalaga na huminto na siya sa pag-aartista. Mula nang maging magkarelasyon sila ni Luis Manzano ay parang may kung anong puwersang nanggagaling sa kung saan na nagbabagsak sa kanya.

Negang-nega ang imahe ni Jessy Mendiola, kahit ano ang sabihin niya ay kinokontra ng marami, pati ang mga ipino-post niyang picture nila ni Luis ay pinagpipistahan sa kanegahan.

Ang madalas na pag-initan sa dalaga ay ang pisikal na aspeto, sobra ang atensiyong ibinibigay ng mga bashers sa malalaki niyang pata, kaya ang dami-daming kontra nang mapasama sa pilian ng mga gaganap na bida sa Darna ang kanyang pangalan.

Hindi raw siya bagay na maging Darna, ang role daw na bagay na bagay sa kanya ay ang pagkokontrabida, siya raw ang Babaeng Tuod na makakalaban ng bidang si Darna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with