^

PSN Showbiz

Big dome niyanig ng Star Magic

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Big dome niyanig ng Star Magic

Star Magic

MANILA, Philippines - Niyanig ng humigit kumulang na 10,000 katao ang Big Dome sa pagdiriwang ng silver anniversary ng Star Magic noong Linggo.

Pinangunahan ang okasyon nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Ange­lica Pa­nganiban, Jericho Rosales, Jodi Sta. Maria, at John Lloyd Cruz, ang pinakamala­king selebrasyon ng ABS-CBN ta­lent management.

Hitik din ito sa mga pasabog na production numbers, acrobatic stunts, at trending performances mula sa kanilang alagang singers, dancers, at comedians.

Dumagundong ang Big Dome sa walang humpay na sigawan ng mga supporter ng sikat na mga loveteams ng Star Magic tulad ng KimErald, LizQuen, KathNiel, JoshLia, ElNella, BaiLona, LoiNigo, McLisse, NLex, MayWard, at KissMarc.

Hinarana naman ng mga Star Magic leading men na sina Matteo Guidicelli, Joseph Marco, Ejay Falcon, Jason Abalos, Carlo Aquino, Enchong Dee, JC de Vera, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino, Gerald Anderson, and Sam Milby, kasama ang mga susunod na leading men na sina Mccoy de Leon, Marco Galo at Joshua Garcia.

Sought-after female at boy groups na nabuo ng Star Magic at ASAP na IT Girls, ASAP IG, Gimme 5, ASAP BFF5, Coverboys, kasama ang  Hashtags GirlTrends at Star Magic Kids ang nagpasiklaban sa dancefloor. Hindi naman nagpatalo ang mga belter na Star Magic teens na sina Lyca Gairanod, JK Labajo, Sam Shoaf, Elha Nympha, at Darren Espanto sa LSS segment ni Jolina Magdangal.

Hagalpakan naman sa kakatawa ang audience sa short comedy skit ang pina­ngunahan nina Pokwang, Sweet, Chokoleit, Jayson Gainza, Eric Nicolas, Alora Sasam, Kiray Celis, Kitkat, Igi Boy Flores, Janus del Prado, Empoy, Ketchup Eusebio, Janus del Prado, at Angelica Panganiban.

Isang seksi at sizzling dance number nina Maja Salvador, Jake Cuenca, Jessy Mendiola,Vin Abrenica, Arci Muñoz, Joseph Marco, Ritz Azul, Daniel Matsunaga, at Jake Cuenca kasama ang  ASAP New Generation’s Coverboys.  Mala-Pitch Perfect song number naman ang ipinamalas ng mga seasoned singers na sina Liezel Garcia, Bugoy Cariño, Sue Ramirez, Kristel Fulgar, CJ Navato, Marlo Mortel, Markki Stroem, Tippy dos Santos, Sam Concepcion, Yohan Wang, Renee Pionso, and Marion Aunor. Hindi rin naman nagpaawat sa kanilang Broadway medley sina Nyoy Volante, Richard Poon, Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Madela, and Vina Morales.

Opisyal din na ini-launch ang all-star anniversary music video ng Star Magic’s anniversary theme song, Ikaw ang Magic ng Buhay Ko, na kinanta nina Yeng Constantino, Young JV, KZ, Klarisse de Guzman, Jona, Jason Dy, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren Espanto, Jed Madela, at Piolo Pascual, kasama ang love teams na sina Liza Soberano at Enrique Gil, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ikaw ang Magic ng Buhay Ko ay composed ni Young JV at yrics ni J.Lukban.

Mapapanood ang part two episode ng Star Magic’s silver anniversary celebration in ASAP ngayong May 28.

Heart

Heart nag-swak sa Ravena

In all fairness, hindi binigo ni Heart Evangelista ang mga nag-abang sa muling paglipad ng Mulawin vs. Ravena noong Lunes. Ayon kasi sa mga comment na nakita namin sa social media, ginulat sila ni Heart sa performance nito as Alwina. Dalang-dala raw sila sa mga emotion nito lalo na nang ipagpilitan ni Gabriel (Dennis Trillo) ang sarili sa kanya. At ngayong sinabi na nga nito kay Gabriel na may anak sila, ano na nga kaya ang susunod na hakbang ng hari ng mga Ravena sa babaeng kanyang pinakamamahal? Mapapanood ang Mulawin vs. Ravena weeknights after 24 Oras sa GMA Telebabad.

My love... aktor magbabakasyon sa isla

Wow nasa bansa pala ang Korean actor na si Kim Soo Hyun na bida sa original version ng My Love from the Star na eere sa Lunes ang Tagalog adaptation na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado and Gil Cuerva sa GMA 7. Ipinalabas ang Korean version nito years ago.

Dumating siya kahapon para sa isang exclusive event ng kanyang endorsement sa Friday.

Pero bago ‘yun lilipad daw ang Korean actor sa isang isla na malapit lang dito sa Maynila para magpahinga sandali.

Walang balita kung magkakaroon siya ng endorsement sa airing ng bagong show ng GMA 7 na papalit sa Destined to be Yours starting Monday.

At ang unang naloka nang malaman na nasa bansa si Kim Soo Hyun na nakilala sa character na Matteo Do sa My Love… ay walang iba kundi si Nay Lolit Solis na bago nabaliw sa Korean actor na si Song Joong-ki ay si Kim Soo Hyun ang paborito.

Sikat sa Korea si Kim na bukod sa pagiging actor ay professional bowler din.

Direk Gil

Rip Direk Gil!

Humabol ang balita habang nagde-deadline kami kagabi na sumakabilang buhay ang batikang director na si Gil Portes. Isinugod daw ito sa hospital na dead on arrival na.

Wala pang masyadong detalye kung ano ang cause ng kanyang pagpanaw pero habang isinusulat ang balitang ito ay hinihintay ng mga kaibigang kapwa director na ilabas ng hospital ang katawan ni Direk Gil.

Pawang nasa abroad daw ang asawa at dalawang anak nito.

Nakita pa ni Tita Ethel Ramos si Direk Gil nu’ng nakaraang Huwebes sa Adoracion chapel ng St. Paul sa may Timog Ave. at wala raw sa hitsura nito na may sakit.

Huling obra ni Direk Gil ang Moonlight Over Baler na ipinalabas lang this year starring Vin Abrenica.

Rest in Peace Direk Gil.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with