^

PSN Showbiz

Kaya madatung, Daniel aminadong may ibang raket!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Young actress na ex ng sikat na actor naniningil ng P150-K sa pag-i-escort!

PIK: Bilang isang napakarelihiyosa at Papal awardee, si AiAi delas Alas ang isa sa nag-react sa gustong ipa­tupad ng LTFRB na magtatanggal ng mga borloloy sa kotse. Pati nga ang rosaryo na nakasabit sa halos lahat ng mga sasakyan ay gustong ipatanggal.

Naglabas si AiAi ng sarili niyang reaksyon kaugnay dito.

As of yesterday nabalitaan naming kumambiyo na ang LTFRB pagdating sa mga rosaryong nakasabit sa mga sasakyan.

PAK: Ewan ko kung totoo ang kuwento sa amin ng isang kaibigan na nakita raw niya ang baguhang young actress na naghihintay sa lobby ng isang ka-tsipang hotel.

Kapag maganda ka at may kaseksihan na nakaupo sa lobby ng hotel na parang may hinihintay, mapagkakamalan ka talagang nagsi-service at may hinihintay na kliyente.

Pero nalaman ng aming source na talagang pumapasada raw ang baguhang young actress sa halagang 150 thousand pesos kung pa-escort-escort lang. Hindi na raw nila alam kung magkano ‘pag higit pa dun.

Ang baguhang young actress ay dating girlfriend ng sikat na young actor.

BOOM: Sinagot na rin ni Daniel Matsunaga ang kumakalat na isyung pera ang dahilan ng break-up nila ni Erich Gonzales.

Na-korner ito ng ilang reporter sa anniversary ng Star Magic na ginanap sa Araneta Coliseum nu’ng nakaraang Linggo at nabanggit ng Brapanese mo­del/actor na gusto na raw sana niyang makipag-friend kay Erich. Nagkasalubong daw sila sa rehearsal nila at nagkabati naman daw.

Pero nilinaw ni Daniel na walang katotohanan na may kinalaman ang pera kaya sila nagkahiwalay.

Ani Daniel, “You know, I worked really hard since 16 years old, I make my own money. I do all my rakets, aside from showbiz, I have my own business.

“I don’t have to say to everybody what I have and what I don’t have. That’s my personal thing. I never said anything to anybody and I don’t think I have to. That issue is really out of control you know.

“That issue is already done. I really have respect to Erich, and we have moved on already.”

Sa ngayon ay mas mabuting mag-focus na raw muna siya sa kanyang career at sa pamilya. Kapag ibibigay daw sa kanya ng Diyos ang babaeng nararapat sa kanya, ipagpasalamat daw niya ito. Pero hindi naman daw siya nagmamadali.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with