^

PSN Showbiz

Liza gaganap na Pia! Suot ni Heart hindi na mukhang diaper

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Cruz ang family name na ginagamit ni Angelina Isabele, ang aspiring singer daughter nina Sunshine Cruz at Cesar Montano pero hindi maikakaila na minana niya sa kanyang ama ang husay sa paggamit ng musical instruments.

Scene: Dapat tutukan ng make up artist ni Leila Alcasid ang make up nito dahil naging matapang ang mukha ng anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren sa mga pictorial at television guesting nito.

Seen: Mabilis ang paglaki ni Zia, ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kaya mabilis na naluma ang mga television commercial nila.

Scene: Habang tumatagal, nagiging kaboses ni Piolo Pascual ang kanyang anak na si Inigo pero hindi nito namana ang malakas na karisma sa fans ng tatay niya.

Seen: Si Rocco Nacino uli ang leading man ni Sanya Lopez sa bagong teleserye ng GMA 7, ang Haplos. Inaasahan na hahantong na sa tunay na relasyon ang loveteam nina Rocco at Sanya dahil sa muling pagsasama nila sa isang television show.

Scene: Thankful at grateful si Francine Prieto dahil nabigyan siya ng television assignment ng GMA 7. Mapapanood si Francine sa Haplos.

Seen: Si Zsa Zsa Padilla ang gaganap na nanay ni Liza Soberano sa life story ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isasadula ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

Scene: Si Luane Dy ang temporary replacement ni Pia Guanio bilang co-host ng Eat Bulaga. Parang nagbabalita lang si Luane ng showbiz news sa Balitanghali ng GMA News TV sa hosting job niya sa Eat Bulaga.

Seen: Hindi na mukhang diaper ang costume ni Heart Evangelista bilang Alwina sa mga eksena niya sa unang episode ng Mulawin vs. Ravena noong Lunes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with