Derek at Lovi magpapainit ng TV screens
MANILA, Philippines - Abangan ang dalawa sa hottest stars na sina Derek Ramsay at Lovi Poe sa pag-ere ng The Escort sa Cinema One ngayong Martes ng gabi.
Ang pelikulang ito ay kwento ng kaakit-akit na si Yassi (Lovi), isang sekretarya ng isang high-class escort service at ang kanyang kaugnayan sa isang kliyente (Christopher de Leon) at sa lalaking napa-ibig sa kanya na si Xyruz (Derek).
Huwag palampasin ang makulay na kwento ng The Escort mamayang gabi. Ang Cinema One ay mapapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, at Digital 57. Sundan ang Cinema One sa Facebook at facebook.com/Cinema1channel para sa full schedule nito.
- Latest