^

PSN Showbiz

Birthday party ni Nora ginastusan ng fans

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Birthday party ni Nora ginastusan ng fans

Nora Aunor

PIK: Ini-launch kagabi ang bagong pelikulang ipu-produce ng T-Rex Entertainment Productions na pinamagatang Deadma Walking na isang black gay comedy film na ididirek ni Julius Ruslin Alfonso.

Pagkatapos ng Die Beautiful ni Paolo Ballesteros, ang daming pelikulang kabadingan na ang  sumemplang sa takilya kaya malaking pakikipagsapalaran ang gagawin ng T-Rex.

Pero puwede namang lumu­sot kung maganda talaga at nakakatuwa ang pelikulang gagawin ni Alfonso.

Bida rito ang magagaling magba­ding na sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

PAK: Open na open na si Paolo Ballesteros sa kanyang lovelife, dahil nakikita na rin sa kanyang Instagram account ang napapabalitang karelasyon nito na isang dancer, si Ronald Anog.

Kamakailan lang ay nasa bakasyon ang Eat Bulaga Dabarkad sa isang isla sa Oriental Mindoro kasama ang lalaki na pinagdududa­hang dyowa nga nito.

Mukhang nag-celebrate sila ng kanilang monthsary base sa mga ipinu-post nito. May post siyang puno na may naka-engrave na ‘RP14’ na puwedeng Roland at Paolo May 14, at ang caption ay emoticon ng heart at U.

May isang post namang magkahawak-kamay na may tattoo at may caption na “3rd”. Posibleng  ang ibig sabihin nito ay May 14 ang kanilang third monthsary na isinilebrayt nila sa ilang araw na bakasyon sa isla.

Ilan sa mga nakita naming ka-Dabarkad nitong nag-react sa post niya ay sina Ruby Rodriguez, Allan K pati si Baeby Baste na masaya sa kanyang lovelife.

BOOM: Masayang ipinagdiwang ng fans ni Nora Aunor ang 64th birthday ng Superstar na ginanap sa Celebrity Club ng QC Circle. Limang fans club ang nag-sponsor ng naturang selebrasyon na talagang napuno ang venue.

Sa mga anak ni Ate Guy, dumating sina Kenneth at Matet dala ang asawa’t mga anak.

Nai-post ng ilang supporters nito sa kanilang Facebook account ang naturang selebrasyon at masa­yang-masaya silang nagkantahan at nagsayawan sa mga kanta ng Superstar.

Sabi raw ni Nora, very positive siyang gagaling sa treatment na ginawa sa kanyang lalamunan na ini-sponsor ni Kuya Daniel Razon.

Sana makapag-concert na raw siya sa October pagkatapos ng gamutan. Balak din ni Nora na magdirek ng sariling pelikula kaya nakipag-usap ito kay Ricky Lee na dumalo rin sa naturang selebrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with