^

PSN Showbiz

Bangs ni Heart pinagdiskitahan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May viewer na nagtanong kung may bangs na ang mga babae noong panahon ng mga Mulawin. May bangs kasi ngayon si Heart Evangelista at worried ang televie­wers na baka makasira sa continuity ang Alwina role ni Heart sa Mulawin vs. Ravena.

Para sa ikapapanatag ng televiewers, walang continuity na masisira dahil matatakpan ng headdress ang bangs si Heart. Saka, aayusin ng hair stylist ng aktres para hindi makita ang bangs niya sa labas niya sa fantaserye.

Nagsimula na ang airing kagabi ng Mulawin vs. Ravena at ipinasilip ang eksena nina Heart at Dennis Trillo bilang sina Alwina at Gabriel na nagsasagutan dahil kahit wala na si Aguiluz, siya pa rin ang mahal ni Alwina. Patay na si Aguiluz sa sequel ng fantaserye, pero naiwan nito ang anak nilang si Almiro (Derrick Monasterio).

Samantala, may post si Heart tungkol sa nalalapit na 20th anniversary niya sa showbiz.

“A dear supporter DM’d me recently reminding me that I’m celebrating my 19th year in the industry. O, how time flies! If you noticed, I’ve been posting affirmations and spreading positivity in my feed because I want us all together to walk towards my 20th with grateful and happy hearts! I’ll be doing some exciting projects as we approach next year, and I thank you in advance for being there for me. It really means the world to me.”

Sef nagtatago

Ilang beses na kaming nag-press visit sa Meant To Be, pero never pa namin na-interview si Sef Cadayona. Hindi naman siguro ito umiiwas, kaya no show ‘pag nasa set kami.

Noong birthday nito, may press visit kami at nakikain pa sa birthday cake na bigay sa kanya ng MTB production. Akala namin ay makakausap na namin ito, pero after naming mabati ng happy birthday, nawala na naman sa eksena.

May mga isyu pa naman kay Sef na siya lang ang makakasagot. Heto at may bagong isyu na naman sa kanya at sa nali-link sa kanya. For sure, may paliwanag siya kung bakit nasa bahay nila ang nali-link sa kanya at ilang kaibigan nito.

Magtatapos na sa June ang MTB at sana naman, bago magtapos ang show ay ma-interview namin si Sef sa muli naming pagbisita sa taping nila.

Migo lantad na ang relasyon sa matandang GF

Bumilib kami kay Migo Adecer na gumaganap na Yuan at younger brother ni Jennylyn Mercado sa My Love From The Star dahil hindi idine-deny na may girlfriend siya. The first time namin siyang ma-interview ay inamin nitong may GF siya at kahit sa presscon ay hindi pa rin siya nag-deny.

Ayaw daw niyang i-deny o itago ang GF dahil unfair sa girl kung dahil sa career niya ay itatanggi ito. Binanggit nito na magtu-two years na sila sa August.

“It’s not good to lie. Kahit white lie pa and for my career, hindi pa rin maganda. She’s very supportive with my career, it’s unfair to her if I deny her,” sabi ni Migo.

Kuwento rin ni Migo, three years older sa kanya ang GF. He’s 17 and his GF is 20 y/o at hindi ito isyu sa kanila at sa pamilya nila.

Anyway, inamin ni Migo na he was so nervous sa first few scenes nila ni Jennylyn, lalo na sa eksenang sinigawan niya ito.

Sa May 29, ang pilot ng MLFTS na second tele­serye ni Migo dahil lumabas na siya sa Encantadia. He loves singing and acting at malapit na ang release ng album niya under GMA Records.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with