^

PSN Showbiz

Arci inaabangan kung tutuluyan ni Daniel!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Arci inaabangan kung tutuluyan ni Daniel!

Arci Muñoz

Kung si JC Santos ang natanggal last Saturday evening sa reality show na I Can Do That, si Arci Muñoz naman ang sumunod last Sunday evening kaya lima na lamang ang naiiwan sa celebrity conten­ders na sina Cristine Reyes, Da­niel Matsunaga, Gab Valenciano, Sue Ramirez, at Wacky Kiray. May isa pang natitira na matatanggal at ang matitirang apat ay siyang maglalaban-laban sa grand competition.

Parehong napaiyak sina JC at Arci nang sila’y hiwalay na magpaalam sa programa na sobrang napamahal sa kanilang mga kasamahan sa nasa­bing reality show.

Habang hindi pa natatanggal si Arci, panay ang tukso sa kanila ni Daniel Matsunaga ng kanilang mga kasamahan. Kapag natapos na ang programa, dito ngayon magkakaalaman kung ipagpapatuloy ni Daniel ang kanyang panunuyo kay Arci na hiwalay na rin sa kanyang ex-boyfriend na si Badi del Rosario, anak ng prinsipe ng Brunei. 

Of course, everybody knows na wala na rin sina Daniel at dating kasintahan nitong si Erich Gonza­les.

Sosyalerang si Divine Lee kasal na

Matapos ang engrandeng kasal nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo in Cebu noong isang taon, isa na namang wedding ang naganap sa Cebu noong May 13. Civil wedding ang naganap sa TV host-socialite na si Divine Lee at mister nitong Fil-Chinese businessman na si Blake Nelson Go na nagmula sa pamilya ng mga prominent businessmen sa Cebu City (na siyang nagma-may-ari ng Prince Warehouse Club chain ng supermarkets at department stores sa Visayas at Mindanao).

Sina Divine at Blake ay dating college classmates but they hardly talk. Muling nagkrus ang kanilang landas sa isang event in Boracay na inorganisa ni Ronald Singson.

Nag-celebrate naman ng kanilang ika-unang anibersaryo bilang magkasintahan sina Divine at Blake in early August last year and a month later ay nag-propose si Blake kay Divine habang nagdi-dinner ang dalawa sa Ayana Resort and Spa sa Bali, Indonesia.

Si Blake ay nag-aral sa Sacred Heart School in Cebu at nagtapos ng Business and Retail Management sa Oxford Brookes University in London.

Si Divine naman ay siyang tumatayong VP for Sales & Marketing ng kanilang kumpanya, ang Globe Asiatique at siya rin ang head ng pito pang departamento ng kanilang kumpanya. Nag-aral siya ng elementarya sa Assumption College, high school sa Brent International School at nagtapos ng Economics sa Ateneo de Manila Universiry. Nag-aral din siya sa Thames Business School and took her Masteral sa Asian Institute of Management (AIM) na hindi niya natapos dahil sa rami ng kanyang trabaho.

Parehong maganda ang family and educational credentials ng mag-asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with