^

PSN Showbiz

AiAi may emote sa LTFRB!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
AiAi may emote sa LTFRB!

AiAi delas Alas

Nadaragdagan ang bilang ng mga nagpoprotesta sa Anti-Distracted Driving Act na ipinatutupad ng LTFRB dahil para sa karamihan, hindi makatarungan ang ilan sa mga ipinagbabawal tulad ng pag-aalis ng mga Holy Rosary na nakasabit sa windshield ng sasakyan.

Hindi lamang ang ordinary people ang nag-i-emote dahil may opinyon din ang mga celebrity gaya ni AiAi delas Alas na hindi napigilan na i-share ang kanyang nararamdaman.

Sarado Katoliko si AiAi kaya hindi nito maunawaan ang pagpapaalis ng LTFRB sa mga Holy Rosary na nakaugalian na niya na isabit sa kanyang mga sasakyan.

“Minsan lang ako umopinyon sa mga ganito. Usually, tahimik lang ako, masid-masid pero pag parang sobra na, mag-oopinyon din naman ako bilang mamamayan ng Pilipinas.

“Unang-una po, I don’t think ang rosaryo or maliliit na figurines or saints na nilalagay usually ng mga Katoliko e di naman makaka-distract dahil di mo naman tititigan ‘yun habang nag mamaneho ka forever.

“Usually, ang ginagawa naming mga Katoliko, hipuin ang rosary or any religious relic na maliit then mag-ko cross tapos magda-drive na. Ano ang distraction dun?

“ Paniniwala po namin ito para safety sa pag mamaneho na hindi maaksidente kaya nagdadasal at nagko-cross habang bumibiyahe sa daan.

“Sana, wag naman idamay ang mga rosaryo at maliit na santo. Hindi naman kayo inaano ng rosary, pati yun pinag-iinitan n’yo,” ang emote ni AiAi na marami ang nag-agree.

Naniniwala ako na aaksyunan ng LTFRB ang mga concern ng mga Pinoy na nalilito sa mga batas na pinaiiral para hindi ma-distract ang mga nagmamaneho ng sasakyan.

Bago ko makalimutan, may isang MMDA traffic enforcer na Jacob T. ang nakalagay sa name plate ang isa sa mga distraction sa EDSA dahil nanghingi siya ng P100 sa Uber driver na sinita niya.

Nangyari ang insidente noong May 3 ng umaga. Nagsumbong ang pasahero ng Uber sa MMDA pero dinedma siya.

Kadiri ang MMDA enforcer dahil sinabi nito sa Uber driver na huwag ipahalata ang pagbibigay sa kanya ng P100 kaya ang ginawa ng tsuper, pasimple na hinagis nito ang datung sa kalsada na another form of distraction. Ang cheap-cheap ng MMDA traffic enforcer ‘ha?

Anytime na ipatawag ng MMDA officer ang pasahero ng Uber, willing ito na mag-testify para mabawasan ang mga corrupt na traffic enforcer. Paging MMDA Chair Tim Orbos!!!

Direktor ng Mulawin… may ibinunyag

Win sa ratings ang finale episode ng Encantadia noong Biyernes kaya masaya ang atmosphere sa GMA Network.

Nag-trending nationwide and worldwide ang nag-babu na telefantasya ng Kapuso Network na may hashtag na #IvoLiveEncantadia.

Kagabi naman ang pilot telecast ng Mulawin vs. Ravena, ang another Kapuso telefantasya na ipinalit sa Encantadia.

Confident ang GMA 7 management na tatangkilikin din ng madlang-bayan ang Mulawin vs. Ravena, tulad ng mainit na pagtanggap sa Encantadia.

 Si Don Michael Perez ang creator ng Mulawin at co-director siya ngayon ng Mulawin vs. Ravena.

May mahaba na emote si Don tungkol sa pagsisimula ng Mulawin na nanggaling pala ang pamagat sa pangalan ng isang dating kasamahan niya sa ABS-CBN.

‘Yun nga lang, hindi na matandaan ni Don ang family name ng mhin na walang kamalay-malay na  malaki ang kontribusyon niya sa number one telefantasya ng Kapuso Network noong 2004. 

May clarification si Don na hindi sequel, remake o retelling ang Mulawin vs. Ravena dahil Book 3 ito ng kanyang pinakasikat na likha.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with