^

PSN Showbiz

Mukha ni Coleen sugatan sa hablot ng dating pulis!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mukha ni Coleen sugatan sa hablot ng dating pulis!

Coleen Garcia

MANILA, Philippines - Lapitin talaga ng gulo ang Kapamilya actress at magiging misis ni Billy Crawford na si Coleen Garcia.

Ang latest na nasangkutan niya ay nang hablutin umano ang mukha niya sa kanyang sasakyan kamakalawa. Nagbunga ‘yun ng ilang gasgas sa kanyang flawless na mukha. Ito ay base sa kanyang kuwento sa kanyang Facebook account nang maka-encounter ng kanyang driver ang isang taong nagpakilala na dating pulis.

Maaalalang ang huling nasangkutan nila ni Billy ay sa Hong Kong. Binastos diumano si Coleen doon at nakarating sila sa presinto.

Anyway, heto ang kuwento ni Coleen sa kanyang Facebook tungkol sa pagkakahablot ng kanyang mukha ng nagpakilala diumanong ex-police.

“I just had a very stressful encounter with a lunatic here in BGC. He stopped right in front of our car, so my driver stopped right away at nadikitan namin siya (no damages at all btw, we barely even touched his car) and then the man came down, started shouting at my driver, saying ‘PULIS AKO!!!’ and he started tackling him, in spite of my driver being completely calm and polite to him! So I tried to intervene. I opened the van’s door and asked the man what his problem was and he literally attacked me and SCRATCHED MY FACE. As in he reached both his hands out and scratched my face, trying to grab me and pull me out so that he could beat me up, too! With absolutely no hesitation! Good thing I was able to shut the door right away, but he still kept threatening us. ‘Gusto mo ng away? Ha?! Gusto mo ng gulo?!’ So he brought out his backpack and he was grabbing something from inside. Naturally, we were all on the edge of our seats. He brought out a huge.... light? Ewan. Some kind of flashlight. And he was flashing it at my driver from the outside of our car, again like a complete lunatic. The sad part is, the police were present towards the end of it and they knew what happened. They did nothing, except ask if I wanted to continue ironing things out in the station. Guys, seryoso, sawa na ako sa police station. Please lang. So I opted to drop it instead, but not after taking photos of his plate number and his ID. Watch out for this man. He is literally insane, and apparently he’s an ex-cop, which (in the Philippines), pretty much means he can get away with anything he wants. I mean it’s not like anyone’s gonna stop him anyway. I would know.

“PS: While all of this was going on, he drove forward a bit and hit ANOTHER car, whose driver he screamed at as well! Police saw that, too.”

Camille Prats-Yambao at Nathan

Biyaya kay Camille bumubuhos

Bumubuhos ang mga magagandang pangyayari sa buhay ng aktres na si Camille Prats-Yambao. Sinimulan niya ang taong 2017 sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang childhood friend na si John ‘VJ’ Yambao matapos ang apat na taon na long distance relationship. Hindi nagtagal at nasundan ang kanilang kasiyahan nang i-anunsiyo ng aktres ang kanyang ikalawang pagbubuntis sa kanyang social media account. Ang panganay ni Camille na si Nathan ay anak niya sa yumaong asawa na si Anthony Linsangan. 

At sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa kanyang personal na buhay, patuloy din ang karera ni Camille bilang aktres at isa sa mga hosts ng GMA News TV lifestyle show na Mars.  Katuwang din siya sa negosyo ng kanyang pamilya, ang Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas at ang Divine Angels Montessori sa Cainta.

Pero hindi dito nagtatapos ang mga blessings ng aktres! Last week ay ni-launch si Camille at ang kanyang anak na si Nathan bilang brand ambassadors ng RiteMED for Kids. “Dagdag kasiyahan po sa akin na katuwang po ako ng RiteMED sa isang bagay na malapit sa puso ko dahil ako po ay isang ina na naghahangad lamang ng para sa ikabubuti ng aking anak at magi­ging anak,” bahagi ng aktres.

Ang general manager ng RiteMED na si Vincent Patrick L. Guerrero ay malugod ang pagtanggap sa bagong miyembro ng kanilang pamilya. “Si Camille ang aming napili na kumatawan sa RiteMED for Kids sapagkat naniniwala kami na taglay niya ang mahahalagang pag-uugali at katangian ng RiteMED. Siya ay mapagkakatiwalaan, maalaga, makapamilya, at naalinsunod sa iba pang brand ambassadors ng RiteMED at RiteMED brand.”

Ang RiteMED for Kids ay isa sa mga product category ng RiteMED Philippines, Inc. Sa ilalim nito ay may apat na hero products: RiteMED Multivitamins + CGF syrup (bitamina na tumutulong sa pagtangkad), RiteMED Ascorbic Acid syrup (Vitamin C), RiteMED Zinc-CTM syrup (bitamina na pinagsamang Vitamin C at Zinc na tumutulong magpalakas ng resistensya), at ang RiteMED Paracetamol syrup (para sa lagnat). Kung gamot na reseta ng doktor o pediatrician ang kailangan, mayroon din ang RiteMED for Kids mula zero hanggang 12 years old para sa ethical at over-the-counter na gamot.

Sa pagkakadagdag ni Camille bilang brand ambassador ng RiteMED for Kids, tiwala si Guerrero na makikita ng marami ang pagkakahawig ng kanilang napiling endorser at ng brand.

Buo naman ang pasasalamat ni Camille sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanya kung saan kasama niya rin si Nathan sa nasabing campaign. 

                                                   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with