PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marian nagpasalamat na nilayasan ng ina! ; Jennylyn pumiyok, ayaw pang pakasalan ni Dennis!

PIK: May binubuong project pala nga­yon si Arnell Ignacio na isang charity na maaaring samahan ng mga kilalang artists ng bansa para ma-promote ang campaign ng pagkakaisa ng mga Pinoy.

Ideya raw niya ito na na-discuss niya kay Vehnee Saturno. Pinakiusapan daw niya ang kilalang composer kung puwede raw itong makagawa ng kanta na maa­ring kantahin ng mga artist na nakikisa sa ikinakampanya nilang pag-aalaga sa ating bansa.

Sabi ni Arnell, “Meron kaming project ngayon na ginagawa ni Vehnee na kung bakit ikaw, ay alagang-alaga mo ang bahay mo, pero paglabas ng bahay ay parang dedma ka lang kung may magtapon o kung may mangsira ng kalikasan.

“Kasi iniisip natin ‘yung labas ng bahay natin eh hindi na natin bahay. Kung iisipin mong bahay mo ang buong Pilipinas, dadalhin mo ‘yun eh kaya aala­gaan mo. Maga­galit ka kung may sumira ng gubat, kasi atin ‘yan eh.

“Pinaplano namin ni Vehnee… and hopefully sana mag-cooperate ang ibang artists. Susubukan talaga na­ming imbitahin…wala na ito kung ano ang paniniwala mo sa pulitika. Gusto, naming imbitahin dito pati ‘yung mga kumokontra sa gobyerno kasi dapat lahat tayo ay kampi-kampi.”

PAK: Ngayong araw pagkatapos ng Ika-6 na Utos na magsisimula ang bagong programa ni Marian Rivera, ang weekly OFW-themed drama anthology.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kahapon lang nakapag-presscon si Marian para ma-promote ang naturang programa dahil kagagaling lamang nila ni Dingdong Dantes sa bakasyon kung saan dinalaw nila ang kanyang ama sa Espanya.

Doon first time na nakita ng Papa niya ang kanyang first apo na si Baby Zia. Kaya ang saya raw nila at nagkaroon ng panahong maka-bonding ang kanyang ama, kaya hindi raw nila napigilang magkaiyakan nang bumalik na sila ng Maynila.

Samantala, naka-relate naman si Marian sa Tadhana dahil naging OFW din ang kanyang ina nu’ng bata pa siya.

“Sabi ko nga, bakit hindi ko bigyan ng pagkakataon na ‘to na gawin ko ‘to. Kasi alam kong may maitutulong ito sa mga kababayan natin,” pakli ni Marian.

Kaya lang dahil sa Tadhana, naungkat ang love story ng Mama at Papa niya na maayos naman daw na nagkahiwalay, at iniwan muna siya sa kanyang lola para makapagtrabaho sa London.

Hindi kumportable si Marian na magkuwento tungkol sa love story ng Mama at Papa niya, pero gusto lang daw niyang papurihan ang kanyang ina na tiniis na iwan muna siya sa kanyang lola para makapagtrabaho at mabig­yan siya ng magandang kinabukasan.

“Buti na lang ‘yung Mama ko umalis para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Mabuti na lang mabait ang kapalaran sa kanya at hindi niya naranasan ang naranasan ng ibang OFW,” dagdag na pahayag ni Marian.

BOOM: Kagaya ni Dennis Trillo, super deny din si Jennylyn Mercado sa isyung engaged na sila at nag-propose na raw si Dennis sa kanya.

Walang suot na singsing si Jennylyn sa presscon ng bagong serye niyang My Love From The Star na magsisimula na sa May 29.

Deretsahan niyang sinagot sa presscon na never daw nilang napag-usapan ni Dennis Trillo ang magpakasal.

“Malayo pa ‘yun. Matagal pa ‘yun,” mabilis niyang sagot nang tanungin  namin siya sa planong kasalan.

Hindi nga raw nila napag-usapan iyun dahil marami pa raw silang priorities sa kanilang buhay.

“Hindi ko pa po alam, pero sa ngayon mukhang malabo pa yan. Hindi pa namin napag-uusapan. Malabo pang mangyari ‘yun,” paulit-ulit na pahayag ni Jennylyn.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: